Kasalukuyan na akong papunta sa nagbebenta ng ice cream nang biglang may humigit sa mga braso ko. At ang mas ikinagulat ko ay nang makita ko ang pagmumukha ng taong humigit sa mga braso ko.
Bakit? Bakit niya ako hinahawakan sa braso? At bakit nandito siya? Bakit siya umiiyak? Bakit puno ng lungkot ang mga mata nito?
"Hindi mo ba naiinitindihan? Hindi kita mahal at siya ang mahal ko. At kailanman, hinding-hindi kita mamahalin. Ewan ko ba kung sadyang tanga ka lang o tanga ka, assuming ka masyado eh." Kalmadong sabi ng lalaking nasa tabi ko ngayon habang halatado nang sobra nang nasasaktan at naguguluhan ang babaeng nasa harap namin ngayon. Kahit ako, naguguluhan na sa mga nangyayari. Hindi ako makagalaw dahil hindi nagsisink-in sa utak ko ang mga nangyayari ngayon. 'bakit?' Yan lamang ang tanong na nakatatak sa isipan ko ngayon.
"Matagal na kaming nagmamahalan at kailanman, hindi mo siya kayang pantayan. Ni wala ka pa nga sa kalingkingan niya." Iritafong sabi ng nasa tabi ko. Ang babaeng nasa harap namin ay halos mauubusan na ng tubig sa katawan dahil sa dami ng luhang lumalabas galing sa mga mata nito.
"H-h-how c-cou-could y-yo-you d-do th-this t-to m-m-me?" Pautal-utal na sabi ng babaeng nasa harap namin ngayon. Naawa na ako sa kalagayan niya. Gusto ko siyang pakalmahin pero alam kong mas lalala lamang ang sitwasyon at isa pa'y hindi ko talaga maigalaw ang katawan ko.
"You want a proof?" Tanong ng lalaki sa babaeng kanina nanghihina pero halatadong pinipigilan nito ang panghihina. Nagulat ako sa sumunod na ginawa ng lalaki.
Inangkin ng mga labi niya, ang mga magaganda kong labi.
Mas lalo akong natigilan sa kintatayuan ko. Gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa dahil wala akong sapat na lakas para itulak siya.
Tumigil na siya at tinitigan ako nito sa mata. Hindi ko na kinaya pa at hindi ko na alam ang gagawin ko. Napakalaking problema neto. Tumakbo ako papunta sa bahay namin at dumeretso sa kwarto ko't agad-agad na sinubsob ang mukha ko sa mga malalambot kong unan.
Ngayon lang nagsink-in lahat-lahat. Ngayon ko lang narealize kung gaano kalaking problema ang napasukan ko. Well, actually, accidentally lang naman siya pero I really am part of this damn problem.
Hinalikan niya ako... Nawala ang first kiss ko dahil sa kanya... Mayroon akong nasaktan na walang kamalay-malay... Hinalikan ako ng taong kinamumuhian ko... hinalikan ako ni Jason.
Ako po tuloy ang magmumukhang manloloko. Pwede pa akong mawalan ng isang kaibigan. Hindi, hindi to mangyayari. Huwag kang nega Crystal. Think positive. Hindi ko namalayan na mayroon na palang bumabagsak na luha sa mga mata ko. At maya-maya lang, nakatanggap ako ng isang text message at mas lalo akong kinabahan.
• From : Mish •
'Magkita tayo sa park mamaya. 5:00 pm sharp. Kapag hindi ka sumipot. Gagawin kong miserable buhay mo.'
Bumuhos na ang mga luha ko. Wala akong pakialam kung manghina ako sa kaka-iyak. Dahil sa kanya, nang dahil lang sa kanya. Pwede akong mawalan ng isang importanteng bagay sa mundo.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is the Campus Heartrob
Teen FictionAres Crystal, a smart, peaceful, kind and a good-looking student of Ichiro High. But on the other hand, Tristan Jason Lee, the richest and the heartrob of the school. Ares first encounter with Tristan was a mistake. A mistake that changes everything...