chapter 2 "harana"

84 2 0
                                    

Kasalukuyan akong nagsasaing ng kanin pang tanghalian nang biglang sumulpot si Fordy sa harapan ko.

"Ay impaktong kabayo!" bulalas ko dahil sa pagkabigla. Kung kayo kaya ang nasa kalagayan ko na ang makita ang crush niyo na puno ng pintura ang pagmumukha tignan natin kung di kayo mabigla.

"Ikaw cute ah...napapadalas ata pangungutya mo sakin!" inis na sabi nito sabay nguso ng mahaba niyang baba...este kissable lips pala niya hehehe.

"Tse...tignan mo nga yang itsura mo ang panget mo parang binuhusan ng pintura pagmumukha mo!." sigaw ko sabay duro sakanya.

"Ouch ang sakit mong magsalita palibhasa di mo alam magpaganda kaya ganyan ka." Sabi niya sabay acting na masakit ang tyan niya...di pala puso pala sareeh.

"Di ko na kailangan magpaganda dahil likas na maganda na ako." Pagmamayabang ko.

"Spell mahangin cute," sabi niya sabay flip ng imaginary hair niya na di naman mahaba.

"Pero stop muna tayo sa bangayan cute kasi look at the time oh malapit ng magtanghalian kailangan na nating pumunta kina Ivan myloves." Sabi nito na parang natatae na.

"Tumigil ka dyan, nagsasaing pa ko para makakain ng pananghalian." Sabi ko habang pinapaypayan ang aking sinaing.

"Eh, mamaya ka na kumain cute." Pagpupumilit niya.

"Heh! kakain ako di mo ba alam masamang magutom," inis na sabi ko

"Mamaya ka na kumain cute sige na isipin mo nalang nagddiet ka," pangungumbinsi niya.

"Di ko kailangan mag-diet physically fit kaya ako," pagmamalaki ko naman.

"Physically fit ka dyan ang lakas mo kayang kumain!" sabi niya "kailangan mong magdiet kaya tara na cute."

"Ayaw nga kakain ako sa gusto at sa gusto mo," tugon ko sakanya.

Sa huli ay wala ding nagawa si Fordy kundi ang maghintay sakin. Aba natural kung pagkain lang naman pinag-uusapan di ako magpapa-under kahit crush ko pa siya ahahaha ...Kaya kung may handaan kayo sa inyo invite niyo naman ako para mabusog ang mga alaga ko sa tyan. Tsaka always available po ako basta pagkain hahaha.

Mga takip-silim na kami nakapunta sa bahay ni Ivan dahil alam niyo na nag-iinarte pa ako ...wanna know the reason?

kung oo

maghintay ka muna

I'm Back with My RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon