"Ano ba Fordy, bitiwan mo nga ako," sabi ko habang hawak-hawak niya nang mahigpit ang kamay ko. Nung sinabi ko kasi kahapon na di ko siya sasamahan kina Henrick itong lokong baklang toh, madaling araw palang ginising na ako tsaka kinaladlakad. Langya lang ang peg niya, sarap upakan ang ganda pa sana ng panaginip ko.
"Sssh ka lang cute baka may magpakita saatin dito, kita mo naman, di pa sumisikat si haring sun." Sabi nito na para bang tinatakot ako.
"Heh! ang ganda pa naman ng panaginip ko sinira mo lang, buti sana kung importante yung gagawin natin eh ang kaso WALANG KWENTA naman!" sigaw ko with emphasis talaga sa WALANG KWENTA, kapal muks talaga niya!
"Sorry naman kung nasira ko ang maganda mong panaginip and may correction pala ako sa sinasabi mong walang kwenta. May kwenta kaya tong ginagawa natin ngayon, isipin mo kung magkakatuluyan kami ng Ivan Henrick na yan edi happy ang lab lyf ko," sabi nito habang nakangiti na parang asong baliw.
"So? ano namang makukuha ko diba wala..."
"baka pa nga ako ang mawalan," pabulong na pagpapatuloy ko sa aking sinabi.
"Meron kaya cute, diba kung happy ako, happy ka na din?" pagtatanong niya. Di ata narinig yung huli kong sinabi.
(Ay natural diba binulong mo lang Aimie, kaya siempre di talaga niya maririnig. GAGA ka talaga, caps lock pa yan para kitang-kita mo.)
"Tss," sabi ko sabay napasabunot sa sarili ko. Nababaliw na ata ako, kailan pa nagkaroon ng sariling utak ang utak ko. " Aisst, ang gulo!"
"Anong problema mo cute, gusto mo bang dalhin kita sa mental?" pagtatanong ni Fordy. Sinamaan ko naman siya nang tingin.
"Sige ba, para wala na akong asunggot na iisipin at para naman tumahimik na ang buhay ko!" pasigaw na sabi ko sakanya. "tsaka ikaw na din mag-alaga sa mga kapatid ko pagpinasok mo ako sa mental."
Toh naman di mabiro, joke lang yun J.O.K.E lang," sabay akbay saakin.
"Di mo kailangang iespell ang joke na word dahil alam ko ang spelling niyan at wag ka ngang maka-akbay saakin sasabunutan kitang bakla ka!" sigaw ko sabay kuha ng kamay niyang nasa balikat ko.
"Hayyy, nagalit ang kyutt, sareeh na mari, ililibre nalang kita ng pagkain para mawala na yang inis mo," sabi niya sabay nagpuppy eyes saakin. Kadiri naman. YUCKS!!!!!!!!!!!
"Che~ di ako katakaw para suhulan mo ng pagkain." Inis na sabi ko, pero sa kaloob-looban, kung mamahaling pagkain ang iooffer niya, gora na aketch sayang ang libreng pagkain...ahahahaha.
"Ayyy ganun, sayang naman ililibre sana kita sa eat all you can ni Aling Bebang," sabi niya habang itinaas baba ang kilay niya. Alam na dis...sayang ang offer pepolets, eat all you can na ang pinag-uusapan. Me and this katakawan talaga...ahahaha.
"Oh, ano na, bati na tayo?" tanong nito with a knowing look.
Huminga muna ako nang malalim bago sabihing, "oo na, bati na tayo."
Pagkasabi ko naman nun ay biglang lumiwanag ang mukha niya sabay yakap sa akin.
"Yey, bati na kami ni cute." Parang batang sabi nito saakin.
Samantalang ako naman sa isip ko, "Oh my gosh mga madlang tala, dis is haven. Pede na me lumutang sa ulap na gawa sa cotton candy..."
"Oo na, Oo na, so pede na ba akong umuwi?" iritang tanong ko dito. Inis-inisan effect muna tayo, malay niyo naman baka pauwiin ako nito. Diba ang saya....joke lang.
"Hep3x, not so fast cute," sabi nito, parang maglalaro lang nang hep2x hooray ang peg niya kung maka hep2x saakin.
"Ano na naman huh?" inaantok na tanong ko, kasi antok na talaga ako.