Kinabukasan maaga akong nagising. Nasa kusina ako ngayon at naghahanda ng almusal. Nagulat ako nang makita si Ali na nakapikit papunta dito.
"Morning Ate..." umupo sya sa dining table at nangalumbaba sa lamesa habang nakapikit.
"Bakit ang aga mo ata?" napadilat sya sa tanong ko sa kanya. Nilapag ko yung kanin, hotdog, ham, at tuyo sa harap nya.
"May gagawin ako sa school ngayon ate...May report kaming gagawin... *yawn* inaantok pa nga ako e..." nakatulala nyang sabi.
Nagtimpla ako ng dalawang kape at kumuha ng dalawang plato at kutsara at nilagay sa lamesa.
"Magkape ka oh..." sabay sumimsim ako sa kape ko at nagsubo ako ng ham.
Tahimik lang kami habang kumakain nang binasag ni Ali yung katahimikan.
"Ate..May alam kana kung saan ka makakahanap ng trabaho?"
I sighed.
"Hindi ko pa talaga alam kung saan ako magsisimula...Panigurado akong mahihirapan ako sa paghahanap neto..."
"Kung pwede lang talaga na ipapasok kita sa company ni Dad..." malungkot nyang sabi.
"Okay lang 'yon, promise pag-uwi ko may trabaho na ako...." ngumiti ako at ginantihan nya din ako ng ngiti.
Nagkwentuhan muna kami saglit at nagsiayos na kami.
Habang tinatalian ko yung buhok ko, may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Yeees?" bumukas yung pintuan at si Ali pala 'yon.
"Ate, aalis na po ako..." pinagmasdan ko yung suot nya. Nakapantalon sya at naka loose white t-shirt at white sneakers.
"Bakit naka civilian ka?...Pwede ba sa inyo 'yan?" pagtataka ko.
Tumingin muna sya sa sarili nya bago sumagot.
"Hmmm opo...May event po kase sa school kaya ganto suot ko..." tumango tango na lang ako.
"Sige na...Lumarga kana, mag ingat ka ha? at umuwi ng maaga.Kayong dalawa ni Bella, okay?"
"Opo..."tinanguan ko na lang sya at sinarado nya na yung pinto.
Nang matapos ako sa pagaayos, umakyat ako para tingnan yung mga walang kwenta kong kaibigan, joke.
At dahil nga nananaginip pa sila, bumaba na ako at lumayas na.
Nasa waiting shed ako ngayon at naghihintay ng masasakyan. Dahil wala pang dumadaang sasakyan, nagtingin tingin muna ako sa work app, sa cellphone ko.
"Excuse me..."
Napatingin ako sa gilid ko, sa dalawang babae. Medyo umusog ako at umupo na yung dalawang babae.
Ngumiti sila at nginitian ko na lang din. 'Wala lang, ang plastik ko lang hehe...'Tumingin na lang ako sa phone ko at gulat akong napatingin sa pagmura ng babae na nasa tabi ko.
"SH*TTTTTTT!!!!!!"
Napatingin ako at napatingin din sa akin yung babae, napapahiyang yumuko yung babae at dahan dahan humarap sa kausap nya.
-,-
Muli akong nagscroll sa phone, at dahil sobrang lakas ng paguusap nila, nawalan ako ng gana mag phone.
Umayos ako ng upo at maingat akong nakinig sa pagchi-chismisan nila.
'Bakit ba..Chismosa ako e'...'
"Oo nga girl!!! Haaaay....Sobrang swerte talaga ng mga babae na nakakita sa kanila!!!" si girl 1 , yung nagmura sa tabi ko.