"That's my order...Give it back to me.."
Pinasadahan ko sya ng tingin, mula ulo ang hanggang paa. Tumingin ako sa pagkain ko, at muling tumingin sa kanya.
Naka light green syang hoodie, at nakaface mask, 'yung dalawang kamay nya nakapasok sa bulsa. Ang kanyang mata tila'y inaantok pa.
" But this is my order..." at ipinakita ko sa kanya yung resibo ko. Kumunot ang noo nya.
"I don't care about your receipt...That's my order..." diin at malamig nyang tugon.
'Hala...Bakit nagagalit sya sa'kin eh, order ko nga 'to?'
Napabuntong- hininga na lang ako. Tumayo ako at tinawag yung waitress.
"H-Hey! I said, give it back to me!" sabay harang sa harapan ko.
"Kukuhanan na lang kita ng bagong order..." mahinahon kong sabi.
Magsasalita na sana sya, pero nung nakalapit na yung waitress agad nyang sinarado yung bibig nya."Miss, pwede bang bigyan mo sya ng order? Yung pareho nito...." sabay turo ko sa pagkain ko.
Lumingon ako sa kanya, nakatingin sya sa sahig at bumubulong sa sarili.
"Hala ma'am...Pasenya na po kayo,naubusan na po ng Combo Z1..."
Natigilan ako.
"Ah ganon ba?...Okay thank you.."
Nang makaalis na yung waitress saka ako muling tumingin sa lalaki.
"Naubusan na pala ng
gantong order...""I told you! So give it back to me!" iritang sabi nya.
"Pero wala ka naman sinabi ah?" inosenteng tugon ko.
Nagsalubong ang kanyang dalawang kilay at ibinaba nya ang kanyang face mask.Tumingin sya sakin na para bang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko.
'Ano ba talaga ang problema ng lalaking 'to?'
Napaurong ako nang lumapit sya ng bahagya.
"L-Look...Ako ang unang una ang umorder nito..At hindi ko alam kung bakit napunta sayo yung order ko!" pigil inis nyang sabi.
"Pero...bakit ka sa'kin nagrereklamo? Diba dapat pumunta ka sa waitress o sa owner nito, at doon ka magreklamo?" kalmadong sabi ko.
Nasapo nya ang kanyang noo at napapikit.
Ano bang problema 'nito? Pinipilit nyang order nya yung order ko. Matagal syang nakasapo sa ulo at namumula na ang kanyang pisngi...
Muling tumingin sya sakin. Nagulat ako nang nilapit nya ang kanyang mukha sa mukha ko. At bigla na lang kumabog aking dibdib sa di ko malamang anong dahilan. Seryosong nakatitig sya sa mukha ko. Pilit kong kinakalma ang aking dibdib dahil pakiramdam ko, anong mang oras aatakihin na ako dito.
"A-Ano.." utal kong sabi. Napaiwas ako ng tingin nang makalapit sya sakin.
"Yah...Look at me..." dahan dahan akong tumingin sa kanya.
'Hala...Bakit ba sya ganyan?...'
"You don't know me?" at mas lalong kumabog pa aking dibdib. Agad akong napaiwas ulit ng tingin sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/246218372-288-k893412.jpg)