DISCLAIMER:This is a work of fiction. Names, Characters, businesses, places, events, locals, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, or dead, or actual events is purely coincidental.- - - - - - - - - - - - - - - -
Ayesha Esther
*TOK TOK TOK TOK*
"Hooooooy mga babaitaa!! Buksan nyo 'tong pinto! Ang init init na ditoo!!" pang limang beses na sigaw ko.
Napakagaling naman kasi ng mga babaeng 'to! Alas dose na ng tanghali 'di pa din sila bumabangon! Natapos na lahat lahat ng klase ko hanggang ngayon nakatihaya pa din sila jusko!
"Vanessaaaaaaaa!!! *TOK TOK TOK* buksan mo yung pintoooo!!!" sigaw ko ulit.
Konti na lang mapapaos na ako dito eh! Grabe naman matulog yung mga yon!
Nagsisisi talaga ako kung bakit wala akong spare key. Si Ali at Bella lang yung may spare key dito dahil late kaming nauwi nila Van. Sa susunod talaga magpapagawa ako ng spare key!
Pumunta ako sa bintana at pinasok yung mga gamit ko. Buti medyo malaki yung bintana namin kasya yung gamit ko-
Wait...Dito na lang kaya ako pumasok?
Umayos muna ako ng tayo at chineck yung paligid.
Clear? Clear!
Humanda kayo sa'kin kapag nakapasok ako sa loob, hindi kayo makakakain ng matino ngayon!
Sinimulan ko ng ipasok yung paa ko sa bintana, buti na lang nakapants ako ngayon, kundi nako! Nasa kalahati na yung katawan ko sa loob nang masabit yung laylayan ng damit ko sa pako. Arghhhh!!!
"Ate anong ginagawa mo dyan?"
'Shit....'
Napatigil ako sa pagtatanggal ng laylayan ng damit ko sa pako nang marinig ko yung boses ni Ali. Nakatayo sya sa harapan ko at halatang bagong ligo.
"Sa tingin mo anong ginagawa ko?"
"Uhm..Napasok sa bintana?" inosente nyang sagot.
"Napaka talino mo talagang bata! Haha! Lumapit ka dito at tulungan mo ako!" sinenyasan ko sya na pumunta sa gilid ko, kung saan nakasabit yung laylayan ng damit ko.
"Pagtapos kong makaalis dito gisingin mo yung mga tulog mantika mong ate! Dali! At bumaba sila kaagad dito!" bulong ko.
Napatitig sya sa'kin at tumitig din ako sa kanya. 'Kinginang yan nakuha pang tumulala sa harapan ko.'
-.-
"Hoy!" sigaw ko sa kanya, nagulat sya at pinagtaasan ko sya ng kilay. Nagmadali siyang inalis yung damit ko sa pako at tumakbo na papuntang taas.
"Whoo! Nangalay ako don!" agad akong sumalampak sa sofa.
Pipikit na sana ako nang marinig ko ang yabag ng mga magagaling kong kaibigan. Agad akong umayos ng upo at wala sa sariling napangiti..
'Lagot kayo ngayon sakin...'
Nang makababa sila, gusto ko sanang matawa sa mga itsura nila. Pero dahil nga di ko makalimutan yung mga pinag-gagagawa ko kanina, nanatili lang akong seryoso.
"Anong oras na? Lagpas lagpas na yung tulog nyo. Natapos na yung klase ko at nakauwi na ako lahat lahat di pa din kayo nagigising." mahinahon kong sabi.