Chapter 4

18 5 3
                                    

Ayesha Esther

Pauwi na ako ngayon at ramdam ko ang ngalay ng aking mga binti. Hindi ko alam kung bakit pumayag ako sa ganoong trabaho, hindi naman ako nababagay roon. Muling naalala ko ang mga nangyari kanina. Napahawak ako sa sintido ko dahil ano mang oras, pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko.

~F    L   A     S     H     B     A     C     K~

Umupo sya sa harapan ko at seryosong nakatingin sa'kin. Napatingin ako sa kuko ko na kanina pa nagkukutkot sa lamesa.

"Ehem...."

Dahan dahan akong tumingin sa harapan ko at ngumiti sya sa'kin. Ngi-ngiti na sana din ako pero agad nya binawi ang kanyang ngiti.

'Kinginang yan, may sapak ata 'to sa ulo eh...'

Kinuha nya ang kanyang bag at may nilabas syang dalawang folder at expandable folder. Gulat akong pabagsak nyang nilagay sa harapan ko. Napayuko at kabadong nagkutkot ulit sa lamesa.

"Name...."

"H-Ha?..." napapatungo kong sabi.

"Name..."seryosong aniya.

"A-Ayeshanna Reesè Esther..."

"Age..."

"Twenty..." agad kong sagot.

"Location?"

"Makati- Teka para saan ba 'to?" pagtigil ko.

"Interview... Akala ko ba kailangan mo ng trabaho? So, eto ini-interview
kita..."

"M-May resume naman ako..." kinuha ko bag ko at nilabas yung brown envelope ko na kung saan andoon ang aking resume. Nilapag ko sa kanya 'yon.

"Meron ka naman pala, 'di ka nagsasabi!" pahablot nya kinuha yung resume ko.

Saktong dumating ang aking order. Ay? akala ko hindi na nila ako bibigyan ng pagkain. Nagka-sapukan
na kami dito tapos ngayon lang dumating yung order ko? Tss.

"Eh hindi ka naman kasi muna nagtatanong!" kinuha ko yung coke na nasa tabi ko at agad sumimsim.

Napatigil sya sa pagbabasa ng resume ko at masamang tumingin sa'kin. Napatikom ang aking bibig.

"Oo nga eh! Nahiya naman ako sa ginawa mo agad mo akong sinunggaban!" napanguso ako.

"Sorry..."

"Psh! Wag ka ngumuso-nguso dyan! Paduguin ko bunganga mo eh!"

Inikutan nya ako ng mata at muling tumingin sa resume ko.

'Ay hala....Binabae  pala 'to...'

Wala sa sariling napangiti ako sa naisip ko.

"Okay! Tamang-tama ka sa posisyon na 'to!" muntik ko na maibuga yung coke sa kanya.

"Huh?..." kumuha ako ng tissue at pinunasan ang bibig ko.

Ngumiti sya sa'kin. Binigay nya sa'kin ang isang folder. Binuksan ko 'yon at binasa.

'What the?!....'

Muli kong binasa ang mga nakasulat don at tumingin sa harapan ko. Naka ekis ang kanyang braso at prenteng nakaupo habang nakangiti.

Muli ko'to binasa at unti unting nagsi-sink in sa utak ko ang mga nakasulat doon. Hinagis ko sa kanya ang envelope.

"A-Ayoko! ka-kahit anong trabaho, gagawin ko! Basta wag lang 'yan!"

Nabawi ang kanyang ngiti at bahagyang inurong ang kanyang upuan papalapit sa'kin. Napasimangot ako.

'Hindi ko tatanggapin yang trabaho na yan! Kahit ma-bankrupt  sila Vannessa! Ayoko!'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Stars Between UsWhere stories live. Discover now