Chapter 1

1.5K 32 9
                                    

Mae's POV

Ang laki nitong bagong bahay na pagtatrabahuhan ko. Limang beses yatang mas malaki doon sa kubo namin ng lolo ko.

Galing ako sa Coron, Palawan. Magaganda ang tanawin doon. Madaming tourist spot at hindi ka magsasawang maggala.

Sa edad kong 25, may experience na ko sa pagiging maid. Pero magaling talaga kong tour guide. Iyon kasi ang madalas na gawain ng mga kababayan ko.

Magaling kaya ako kahit barok ako sa English. Hindi naman yata kasi importante sa mga turista kung tama 'yong sinasabi namin basta gets nila.

Dalawang taon akong naging maid sa mayor namin doon. Malaki ang sahod ko libre pa ang pagkain at lahat-lahat kaso masasama ang ugali nang mga anak ni mayor. Minsan nga tinapunan ako nang tubig sa mukha.

Buti na lang pinalayas na ko roon. Nabasag ko kasi 'yong dalawang mamahaling vase nila sa sala na mukhang galing pa sa ibang bansa.

Hindi ko na naipagtanggol ang sarili ko. Dahil ang totoo, tinulak ako ng isang anak ni mayor habang nagwawalis ako. Sutil talaga ang mga batang iyon. Akala mo'y hindi edukado. Mga spoiled brat kasi. Isang hingi lang sa mga magulang nila, nakukuha na agad nila.

Nakatutuwa namang 'di na pinabayaran ni mayor ang mga nasira ko. Hindi ako makararating dito sa Maynila kung babayaran ko lahat 'yon. Baka mas mahal pa 'yon sa buhay ko.

Si Lolo Aning ang nag-iisa kong lolo. Hindi ko talaga siya kadugo dahil kinupkop niya lang ako. Mabait siya at masipag talaga. Nagtitinda siya nang gulay at prutas sa palengke. Kahit matanda na 'yon, matinik pa rin sa babae. Kaso mga kaedad niya lang na babae ang nanuhumaling sa kaniya.

Muntik akong hindi payagan ni Lolo Aning na pumunta dito sa Maynila. Pumayag lang siya noong makita namin kung magkano ang bayad. Kahit isang buwan lang ako magtrabaho dito, mapapaayos na ang kubo naming maliit.

Pumasok ako sa magiging kwarto ko dito sa bahay ng bago kong amo. Sosyal talaga rito. Magaganda ang gamit at walang makikitang kapintasan dito sa bahay. Kahit nga sa amo ko wala akong maipipintas.

May malaking kama sa kwarto ko. May dalawang unan doon pero parang kasya sa kama ang limang tao. Umupo ako roon at ang lambot-lambot.

May malaking puting aparador, malaking chandelier sa kisame, lagayan ng sapatos, study table at isa pang lamesa kung saan may salamin at upuan sa harap. Mukhang doon ako sa isang lamesa mag-aayos ng mukha ko. Ngayon lang ako magkakaroon ng mga gano'n.

Ang ganda ng kwarto ko. Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong kwarto. May aircon pa. Yaman talaga ni amo.

Tumayo ako at lumapit sa puting aparador. Binuksan ko iyon. May limang nakasampay doon na maid uniform. Sky blue and white ang kombinasyon ng mga kulay. May iba ring damit doon na mukhang mamahalin. May dresses, blouses, shorts, pants at may underwears din. Sinukat ko pa 'yong bra at saktong-sakto sa yumuyugyog kong dibdib.

May nahagip ang mata ko na isang pinto. Patakbo akong lumapit doon saka ko binuksan.

Parang nagningning ang mga mata ko dahil may sarili akong banyo sa kwarto! May shower, inidoro, at bath tub! Kasing laki no'ng CR ang kwarto ko sa bahay nila mayor. Humihiga na yata sa pera 'yong bago kong amo.

Grabe, parang ayaw ko na tuloy umalis dito. Masyadong nagagalak ang puso ko. Kaya kailangan kong galingan sa trabaho!

Hindi muna ako nagbihis ng maid uniform. Jogging pants na itim at shirt na puti ang sinuot ko. Nagsuot din ako nang tsinelas na pambahay. Lumabas ako nang kwarto at dumiretso sa kusina. Sobrang ganda ng kusina! Parang kumikinang-kinang ang bawat gamit.

Bewitching Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon