Chapter 2

1.2K 35 0
                                    

Mae's POV

Dali-dali akong bumangon. Ala singko na kasi ng umaga. Kailangan kong handaan ng almusal ang pogi kong amo.

Hindi ako nakatulog ng maayos. Hindi ko pa rin kasi gets kung bakit niya ko kailangang murahin kahapon. Mukha naman siyang sarap na sarap doon sa luto ko kagabi kaya ba't niya ko minura? May ginawa ba kong masama?

Sabi ni Lolo Aning, nagmumura daw ang tao base sa damdamin nito. Sobrang saya, galit, o ekspresyon lang talaga niyon. Pero hindi naman daw ibig sabihin na masamang tao na agad kapag palamura.

Ekspresyon lang kaya iyon ni sir? Baka sa sobrang sarap ng luto ko ay napamura na siya. Ganoon nga siguro. Iba talaga ang talent ko.

Nagbihis ako nang uniporme na nakita ko sa aking aparador. Ang ganda talaga ng kwarto ko. Kahit saan tingnan ay ang ganda talaga. Sana ako rin maganda.

Naligo din naman ako 'no. Baka amoy laway o tulugan pa ko pagbaba ko. Nag-spray din ako no'ng pabango na nakita ko sa lamesa. Ang bango-bango no'n pero hindi masakit sa ilong.

Lumabas na ko sa kwarto ko na nasa first floor lang naman. Nadatnan ko sa sala si Miss Lydia. Siya iyong nagpakilala na sekretarya ng amo ko. Siya rin ang pumili sa 'kin upang maging kasambahay dito. Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya.

"Magandang umaga po, Miss Lydia," bati ko.

"You woke up late."

Walang emosyon ang mukha niya. Ganoon din ang boses niya. Pero hindi naman siya nakakatakot. Maganda siya at sopistikadang tingnan.

Nagtatanong ang mga mata kong tumingin sa kaniya.

"Dapat kang gumising ng alas tres ng madaling araw. Alas kwatro pa lang ay umaalis na si Sir Reon para mag-asikaso nang mga business niya," Seryoso siyang tumingin sa 'kin. "Practice being responsible."

"Pasensya na po. Gusto niyo po bang mag-almusal?" alok ko.

Umiwas muna siya nang tingin. Mukhang nag-iisip kung tatanggapin ba ang simple kong alok.

"Show me your best."

Sabay kaming pumunta sa kusina. Naupo lang siya habang nakamasid.

Siguro susubukan niya ang galing ko sa pagluluto. Isa kasi sa mga reklamo ng amo ko ang luto ng dati niyang kasambahay. Iyon din agad ang requirement na naipasa ko bago makapunta dito.

Kumuha ako ng dalawang itlog at dalawang kamatis sa ref. Itinabi ko muna iyon. Binasa ko ng konti ang kamay ko. Kinuha ko ang kalderong may tirang kanin. Inamoy ko iyon at hindi pa panis.

Hinalo ko ang kanin na nasa kaldero. Sabi ni Lolo Aning, mas masarap daw kapag kinakamay. Mas nagiging malasa dahil daw pati lasa ng kamay ay nasasama.

Linagyan ko iyon ng sapat na dami ng asin para magkalasa ng maganda.

Itinabi ko muna iyon saka naghugas ng kamay. Binasag ko ang dalawang itlog at linagay sa mangkok. Binate ko iyon hanggang sa maghalo na ang puti at pula ng itlog. Hiniwa ko ang mga kamatis saka hiniwalay. Naghiwa din ako ng sibuyas at bawang.

Binuksan ko ang gas, kumuha ng kawali, at kumuha din ng sandok. Pinainit ko muna sa bukas na kalan ang kawali. Naglagay ako ng mantika. Nang mainit na ang mantika, linagay ko ang kamatis. Hinalo-halo ko muna iyon para maluto muna saka ko linagay ang itlog.

Itlog na may kamatis ang madalas naming almusal ni Lolo Aning. Masustansya daw kasi iyon. Sasabayan pa ng gatas.

Itinabi ko ang itlog na may kamatis sa isang plato. Dinagdagan ko ang natirang mantika sa kawali. Nag-sangkutsa ako nang sibuyas at bawang. Hinintay ko munang maluto pareho. Golden brown kumbaga.

Linagay ko na ang kanin. Sinangag tapos kamatis na may itlog. Ay nako! Sayang at 'di matitikman ng gwapo kong amo.

Pinatay ko na ang kalan ng tantiyado ko na luto na ang sinangag. Kumuha ako ng plato at naglagay ng kanin doon. Linapag ko ang ulam at sinangag sa harapan ni Miss Lydia. Kinuhanan ko na rin siya ng tubig.

Tiningnan niya muna ako bago siya tumingin sa pagkain.

Kinuha niya ang kutsara. Tinikman niya ang itlog na may kamatis. Tumango-tango siya habang ngumunguya. Sinamahan niya na ng sinangag at parang napahinto siya bigla. Hindi ko alam kung bakit. Hindi niya ba nagustuhan?

Nagulat ako nang sunod-sunod na ang pagsubo niya. Ngumunguya pa kaya siya? Parang puro lunok na lang.

Naubos ang sinangag sa plato niya. Tiningnan niya ko.

"Give me more," seryoso ang mukha niya pero nangniningning ang mga mata.

Ngumiti ako saka nagsandok ng sinangag para sa kaniya. Ganado talaga siyang kumain. Nakatutuwa dahil nagustuhan niya.

Medyo umuldot ang tiyan niya sa suot na medyo hapit na pormal na damit. Nakakatuwa talaga! Nabusog siya sa linuto ko!

"You are great," uminom siya ng tubig.

"Maraming salamat po, miss."

Bigla siyang may inabot sa 'kin na box. Katamtaman lang ang laki. Kinuha ko iyon.

"That's a latest phone model from our boss. Use any social media platform to know more recipes. My number and Sir Reon's number is already there," Lalong sumeryoso ang mukha niya. "The groceries are always bought by somebody else. You don't have to worry about it. Just stay here. Clean, cook, and lock the doors. You are not allowed to go out unless you have the permission of Sir Reon."

Ang haba naman no'ng sinabi niya. Hindi ko naintindahan lahat.

Tumango na lang ako dahil baka magalit pa siya sa 'kin.

"Be a good girl if you still want to live a long life," Tuluyan na siyang lumabas ng kusina matapos sabihin iyon.

Mabubuhay pa ko ng matagal! Pag-iigihan ko sa trabaho para magtagal ako dito. Gagalingan ko palagi. Hindi ko bibiguin si Miss Lydia o si Sir Reon. Lalo na si Lolo Aning.

Lydia's POV

"What's your opinion about her?" Sir Reon asked with formality. "Tell me."

"She's actually good," I licked my lower lip. "Her cooking skills are well defined."

"I see."

Nalalasahan ko pa din ang luto ng Mae Sorata na iyon sa bibig ko. Masarap kahit simple lang.

"I hope she will not ruin your mood, sir. She might end up dying early."

I saw him smirked. "She will be a nice toy to play with. You know my plans about her, right?" I nodded. "She will be a good fuck."

Sir Reon is a powerful man. In business, in life, in bed. He doesn't know how to stop being powerful. He was born with it. I heard him said that Mae will be his sex slave. I don't have any chance or even guts to say no.

Ngayon lang siya nakaisip ng ganoong plano para sa maid lang. Ang mga kinukuha kong maid noon ay matatanda na. Mga gurang dahil maganda ang experience sa trabaho.

I'm lucky that I found Mae in the agency. She's a life saver. I hope she can save her own life.

"Sir, your meeting will start in 10 minutes," paalala ko.

"With whom?"

"With the owner of Sav Resorts. They want to sell the whole resort to you," I answered.

He just nodded and spin his swivel chair slowly. Yumuko ako bago lumabas ng opisina niya.

I know Mae is in good hands. But, I don't know what will happen when she's already in the king's bed.

TinTalim

Bewitching Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon