Chapter 4

1.1K 25 2
                                    

Mae's POV

Pagod na pagod ako matapos ang paglilinis ko sa second floor. Lalo na roon sa study room. Ang laki pa naman no'n saka maraming gamit. Pero maganda. Lalaking-lalaki.

Ala singko na pala ng hapon. Dali-dali akong pumunta sa kusina. Nagluto lang ako no'ng napanood ko sa YouTube. Buttered shrimp yata tawag doon. Madaling lutuin pero sosyal. Hindi kasi yata sanay sa mga simpleng luto 'yong amo ko.

Mag-aala sais na ng gabi nang matapos akong magluto. Naghugas ako ng pinggan tapos nagsaing na rin. Gutom na gutom siguro 'yong si sir kapag nakauwi na siya. Ang aga kasi kung umalis tapos gabing-gabi uuwi.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng uniporme ko. Baka si sir iyon. Madalas nag-te-text iyon bago siya umuwi para alam ko. O kaya naman tumatawag siya kapag may request siyang kainin.

Tiningnan ko ang text message niya.

Pogi kong amo:

Wear your maid uniform and go to my room. Gusto ko mabango ka.

Mabaho ba tingin sa 'kin ni Sir? Napaka-judgmental naman niya. Ang bango-bango ko kaya. Mas mabango nga lang siya kaya siguro ganoon.

Tinabi ko na lang muna ang ulam na linuto ko pero kumuha muna ako roon ng kaunti. Kumain ako saka naligo. Ginamit ko 'yong mahal na sabon. Galing pa yatang ibang-bansa. Bigay din iyon ni Sir Reon.

Nag-lotion din ako. Ayaw ko mapahiya. Dapat daw mabango, eh. Masunurin pa naman ako. Baka kapag kinulang ako sa bango, tanggalin ako sa trabaho. Mag-iipon pa ko ng pera para ipagawa bahay namin ni Lolo Aning. Gusto ko ng makausap si Lolo Aning kaso wala siyang cellphone.

Mabibilhan ko na ng pangarap niyang kotse si Lolo. Ferrari yata tawag doon. Mga magkano kaya 'yon? Ilang buwan kaya akong magtatrabaho rito para mabili 'yon?

Magagamit ba 'yon ni Lolo? Wala naman siyang lisensya tapos 'di pa marunong magmaneho.

Lumabas ako ng C.R. Nagpunas ako ng katawan. Pati singit ko dapat matuyo ng maayos. Kinuha ko iyong uniporme ko na malinis. Linagyan ko pa ng madaming pabango.

Todo lagay din ako nang deodorant sa kili-kili ko. Dati tawas lang, eh. Siguro dapat 'yong mismong pabango na lang ang ipinang-ligo ko. Dapat makita ni Sir Reon na magaling ako!

Nagbihis na ko. Yapak lang ang mga paa nang tunguhin ko ang kwarto ni Sir. Maganda iyon. Pinaghalong itim, puti, at abo lang ang mga kulay. Pormal at walang bahid ng kakyutan.

Umupo ako sa kama niyang mas malaki pa sa kama ko. Tatlong beses yatang mas malaki sa kama ko. Mas malambot din at mas maraming unan. Collection ba 'to?

Ang dami kong natutunan na English words sa cellphone. Ayaw ko kasing magtanong pa kay Sir Reon sa tuwing magsasabi siya ng kung ano-ano. Mabilis naman akong matuto.

Waring hinahatak ako ng kama na humiga sa kaniya. Hindi ko namalayan na nakayakap na ko sa isang malaki at malambot na unan. Unti-unti na kong iginupo nang antok.

•••••

Nakaramdam ako ng mainit na kamay na humihimas sa hita ko. Marahan lang. Naramdaman ko rin kung paano pumasok iyon sa loob ng palda ng uniporme ko. Tumuloy ang kamay sa bandang puwetan ko dahil patagilid ang higa ko.

Nakiramdam lang muna ako. Baka akyat-bahay pala 'to. Baka gustong kunin ang puri ko. Tapos mabubuntis ako. Magiging ulirang ina ako dahil walang ama ang anak ko. Waaaah! Hindi p'wede!

Bumangon agad ako. Tinakpan ng malaking unan ang katawan ko.

"Pfft."

Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang lalaki sa gilid ng kama na kanina'y humahaplos sa hita ko.

Bewitching Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon