Chapter 16

831 19 0
                                    

Reon's POV

"Fuck! Reschedule the fucking meeting! I wanna go home!" I shouted to Lydia.

"But, S-Sir," I cut her off and looked at her with my poker face.

"No buts, Lydia. I don't want to attend the fucking meeting. Mamumuti muna ang mga mata nila bago ako makipag-meeting sa punyetang Cross London na 'yan," inis kong sabi.

I leaned my back on my swivel chair and massages my temple. I just wanna go home and rest. I've been working non-stop for five days.

Marinig ko pa lang ang pangalan ng Cross na 'yan, nag-iinit na ang ulo ko. Baka mapilipit ko ang leeg no'n kapag nagkita kami.

"It's a big deal with London Corporation. Sir, we need this," Lydia said. "It's a big opportunity."

I get my gun out of my cabinet and pointed it to Lydia. "You are just a mere secretary. You don't have the rights to talk to me like that. I'm the boss. I'll decide on my own."

Yumuko siya. "Sorry, Sir."

"Get out," mariin kong utos na agad niya namang sinunod.

She's intelligent. Lydia is one hell of a secretary. Magaling siya pagdating sa trabaho niya pero mukhang masyado nang mataas ang tingin niya sa sarili niya porque siya lang ang tumagal sa 'kin.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa sobrang pagod. Kinuha ko ang cellphone ko. I opened it and checked my messages.

No messages from Mae. Tsk. She never texted me. Magte-text lang siya kapag ako ang unang nag-text. Wala ba siyang kahit kaunting sweetness sa katawan? What the hell.

I found a message from an unfamiliar number. I opened it.

Someone:

Eros, you will lose everything. Even the girl you are starting to love.

I smirked with the thought. The girl I'm starting to love? What kind of bullshit is that? I don't have the guts to manage love.

And lose everything? Tsk. I already have everything in my hands. I'm holding it tight. And even if they will drag me down, I still have everything.

I stood up and dialed Mae's number. She answered it after one ring. "Bakit po, sir?"

"Uuwi ako," A smile curved on my lips. "Magluto ka, ha?"

"Sige po, sir. Ingat kayo sa pag-uwi."

I ended the call and looked at the window. I'm craving to hug and see her. I missed her.

Wait, I-I what?

I missed her? Shit!

Mae's POV

Nagluto ako ng tatlong putahe. Uuwi kasi si sir ngayon. Ilang araw din siyang hindi umuwi. Siguro takam na takam na iyon sa lutong-bahay.

Nagluto ako ng nilagang baboy, fried chicken, at afritada. Bahala na siya kung anong uulamin niya. Nagluto ako ng madami para busog na busog siya.

Ano kayang itsura ni sir kapag mataba siya? Ang cute niya siguro at siguradong gwapo pa rin kahit mabilbil na siya.

Hinanda ko na ang lamesa para maayos na kapag dumating si sir. Baka kumukulo na ang tiyan ko.

"I'm home," sabi ng baritonong boses na nagmumula sa pintuan. "Mae?"

Pinuntahan ko kaagad si sir. Nakasuot siya nang pormal na damit pero hindi maayos ang kurbata niya. "Good evening po, Sir."

Hinubad niya ang coat na suot at inalis na ang kurbata niya. Natira na lang ang puting polo at itim na pantalon.

"Did you cook something good?" Tiningnan niya ako. "I badly want to eat."

"Meron na po."

Nagulat ako nang hatakin niya ko palapit. Yinakap niya ko ng mahigpit. "How have you been?"

"Okay lang po, sir," Hinagod ko ang likod niya. "Ikaw, sir? Kumusta po ang trabaho mo?"

"Not fine. It's tiresome," Humigpit lalo ang yakap niya. "Let's eat. Sabayan mo ko."

Hinatak niya ko papuntang kusina. Agad siyang umupo at kinandong ako. "Argh, I miss the smell of your cooking."

Tiningnan ko si sir. "Sir, h-hindi niyo ako kailangang kandungin."

"But I want to," Pumulupot ang isa niyang braso sa bewang ko saka siya kumuha ng isang fried chicken.

"Shit! I'm really hungry," Para siyang bata habang kumakain ng fried chicken. Batang gutom na gutom masyado.

Inabutan niya ko ng isang fried chicken. "Eat, Mae."

Kinain ko na lang iyon habang sunod-sunod ang subo niya. Kung ano-anong ulam ang linalagay niya kasama ang kanin. Hindi ko na namalayang nakakadalawang batch na pala siya ng kanin.

"Sir, kalma lang. Baka ma-impatso ka po," sabi ko habang nakamasid lang sa kaniya. Ang gwapo niya pa rin kahit ang lakas kumain.

Inabutan ko siya ng tubig. Sobrang ganado siya. Mukhang balak niyang ubusin ang isang kalderong kanin.

Lumipas pa ang ilang minuto at natapos na siya. Ba't hindi lumobo 'yong tiyan niya? "Masarap ba, sir?"

"Yeah," Ngumiti siya. "Damn satisfying."

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi niya. Tumayo ako ng maayos. Nakita kong kumunot ang noo niya saka ngumuso.

"Psh. I still want to cuddle with you," Ngumuso siya lalo. "Come here, Mae."

"Magtatapon po ako nang basurq," ngumiti na lang ako para mapigilan ang pagtawa ko. Baka bigla na lang siyang magmaktol.

Wala na siyang sinabi kaya kinuha ko na ang maliit na basurahan dito sa kusina. Binuhat ko iyon palabas. Nahagip pa nang mata ko na pinapapak niya 'yong tirang fried chicken.

Linagay ko sa mas malaking basurahan ang mga basura. Kukuhanin naman iyon ng truck bukas. Buti napapadaan dito 'yong truck kahit medyo liblib.

Nagpulot na rin ako ng mga basurang nahulog mula sa basurahan. Ang dami namang kalat. Ayaw ko ng ganito.

Naramdaman kong parang may mga matang nakamasid sa 'kin. Akala ko guni-guni lang pero masyado na yatang nakakailang sa pakiramdam. Napalunok ako nang maramdaman na humagin ng malakas kasabay ng takot na namumuo sa dibdib ko.

Luminga-linga ako sa paligid. Umaasang makikita kung kanino ang pares ng mga matang nakatingin.

Bumaling ang paningin ko sa labas ng malaking gate. May bulto ng tao na nakatayo roon. Kita ko ang kislap ng mga mata niya pero hindi kasama ang buong mukha.

Lalapit na sana ako nang makita kong ngumisi siya dahil natamaan ng sinag ng buwan.

"Mae!" pagtawag ni sir mula sa loob ng bahay.

Pumasok na lang ako kahit hindi ko alam kung sino ang taong iyon.

TinTalim

Bewitching Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon