After 3 years and 3 months.
"Hope! Dalian mo na riyan nandito na si Casper!" Sigaw sa akin ni Lola.
"Opo!" Sigaw ko pa-balik kay Lola.
Ito na yung araw na pinaka aantay ko. Aalis na kami ni Casper. Aalis na uli't kami.
Nakaka tuwa lang dahil sinamahan ako nito kung saan ko gusto mag aral ng kolehiyo.
3rd year college na kami ni Casper ngayong taon. Umuwi kami dito sa bahay namin para mag bakasyon kasama yung mga pamilya namin. Sa awa naman ni Lord naka-graduate ako kahi't papaano.
Masasabi kong hindi ko na nagagawa yung mga gawain ko noon nung shs ako ngayong college ako dahil hindi na pwede mag loko.
"La, mauuna na po kami ni Casper. Ingat po kayo dito." Aniya ko at humalik sa pisnge nito.
"Osige! Mag iingat ka, ha?" Sabi ni Lola at humalik din pabalik sa pisnge ko.
Nag paalam na kami sa kaniya ni Casper at sumakay na sa sasakyan ng pinsan nitong si Casper. Mabuti na din ito. Ang hirap lang mag commute.
Ilang weeks lang naman kami dito.
"Diretso tayo sa dorm mo?" Tanong ni Casper.
"Kain muna tayo. Gutom na ako." Sabi ko dito at tumingin na uli sa bintana nitong sasakyan.
"Alright, boss!" Aniya.
Ilang taon na din yung lumipas. Itinigil ko na yung kakapa-dala ng mensahe kay Jasper dahil pakiramdam ko nag sasayang lamang ako ng oras.
Kung gusto niya bumalik ay babalik siya. Pagod na din akong mag antay lang sa kaniya.
Tinitigan ko si Casper na ngayon ay seryosong naka tingin sa daan habang nagmamaneho.
Si Casper yung naka-sama ko simula ng pumunta ako dito sa Manila para dito mag aral.
Si Casper din yung nandiyan. Yung nagpa-saya uli't sakin. Yung na-kinig sa mga ka-dramahan ko sa buhay.
Si Casper yung pumalit kay Jasper...
Sa ilang taon na nakasama ko si Casper ay masasabi kong mabait ito. Hindi na din ako nag dalawang isip na ibigay kay Casper yung tiwala na meron ako.
Kasi, alam kong hindi niya yun sisirain...
"Mas the best pa din talaga yung takoyaki ni Manong malapit sa plaza!" Sabi ko kay Casper.
"Mas masarap ako." Malokong sabi nitong si Casper.
"Ang baboy mo!" Aniya ko.
"Joke lang. Oo nga pala Kaila, hindi kita masusundo sa monday..." Sabi nito.
Madalas kasi akong sunduin ni Casper sa dorm na tinutuluyan ko dahil same university lang naman kami na pinapasukan.
"Bakit?" Tanong ko dito habang kumakain pa din nitong takoyaki na paborito ko.
"Basta. Ano, iisa ka pa?" Tanong nito sa akin. Tumango lamang ako dito.
Ayos lang naman sa akin dahil sanay na din naman akong mag commute kahit mahirap.
Si Casper ba iyon? Ang landi talaga nako. Mag isa na naman akong kakain ng lunch dito sa cafeteria.
Sanay na naman ako. Tinanaw ko muli si Casper na todo ang pagpapa-cute doon sa babaeng kausap nito.
Haynako. Hindi na nag bago. Araw araw yata iba yung babaeng ka-sabay niyan mag lunch eh.
"Hi, Kaila! Punta ka sa party ko sa saturday, ah? See yah!" Sabi ni Maureen. Isa sa mga kaibigan ko dito.
YOU ARE READING
A Broken Hope (Love Series #1)
RandomThis story is all about to Kailanie Hope Fuentes and Casper Sanchez. book cover credits: @eurexaa