"Naka-simangot ka na naman, doc?" Ngising asong tanong sa akin ni Ivan. Sa kaniya kasi ako palagi pumupunta kapag pina-palayas ako ni Kaila dahil sa hindi ko gustong tikman yung mga cravings niya...
Sige nga, kayo ma-tanong ko lang... Titikman niyo ba yung Mangga na hilaw na nai-deep sa gatas? Oh diba, naiisip niyo pa lang masusuka na kayo... Sobrang lala ng cravings ni Kaila ngayon. Sobra talaga. Nitong mga naka-raang linggo okay pa. Pwede pa. Tinola lang naman na nilagyan ng Mang tomas... Pwede na kaysa sa Mangga na isawsaw sa gatas. Para sa akin ay ayos na 'yon ah.
"Oh, sino 'yan?" Siraulong tanong sa akin ni Marlou este ni Marlon.
Sinamaan ko na lamang ito ng tingin at dumiretso na dito sa guest room nila Ivan. Mabuti na nga lang talaga wala dito yung asawa niya. Nasa Japan daw para sa business. Si Marlon naman ay hindi ko alam bakit nandito yang bakulaw na 'yan.
Wala na akong planong makipag-asaran pa sa dalawang 'yan dahil sobrang pagod na pagod ako. Naki-usap na lamang ako kay Ate Faith na doon na mo na sila ng anak niya matulog sa bahay para kahit pa-paano ay may kasama naman si Kaila. Biglaan din kasi yung pagpa-palayas sa akin ni Kaila... Hays bahala na nga. Kinabukasan naman siguro ay mami-miss din ako non at tatawagan at sasabihing umuwi na ako dahil miss na miss na niya ako.
Hindi naman puwedeng sabayan ko si Kaila. Naiintindihan ko naman siya eh. Pag intindi lang talaga yung kailangan niya. Siyempre bilang isang mabuting asawa ganoon ako sa 'kanya.
Nag simula na akong mag shower dahil kanina pa ako nanlalagkit sa katawan ko.
"Bro, labas ka mo na dyan! Ikain mo na lang 'yan. Arat!" Rinig kong sigaw sa labas ni Marlon. Kaya pala siya nandito dahil may pagkain... Marlon nga naman 'oh. Bigla ko tuloy naalala si Kino. Balita ko nga daw nagkakama-butihan na si Maureen. Naks.
"Anong ulam?" Tanong ko kay Ivan na ngayon ay nagsasalin ng orange juice sa kaniyang baso.
"Tino-Mas." Sabi nito. Tsk. Sinamaan ko na lamang ito ng tingin at umupo na sa silya. Gutom na ako...
"Char! Adobo, tol. Para naman maka-tikim tikim ka ng totoong pagkain." Mapang asar na sabi ni Ivan. Bakit pa kasi ako kumain dito 'noh? Hays.
"Bro! Bro! Tumatawag si Kaila!" Sabi ni Marlon sa akin.
"Edi sagutin mo." Simpleng sabi ko dito at sinimulan ng mag-lagay ng ulam sa plato ko. Kanina pa talaga akong gutom.
"Gago! Ikaw nga ata hanap nito! Saglit, sasagutin ko nga!" Aniya ni Marlon. "Hello, Kaila? Si Casper? Yes, dito siya. Sure. Sure. Sasabihin ko. Ingat ka diyan. Bye!" Sabi ni Marlon sa kabilang linya.
"Anong sabi?" Tanong ko kay Marlon.
"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, tol! Grabe!" Natatawang sabi nito at napapa-hawak pa sa kaniyang tyan dahil sa sobrang pagka-tuwa. Happy?
"Okay." Aniya ko.
"Ano ba 'yon, brad?" Tsismosong tanong ni Ivan. Kumain na ba itong mga 'to? Bakit mukhang ako lang yata yung kumakain dito?
"Tanungin mo ako Casper kung bakit! Dali, brad!" Tawang tawang sabi ni Marlon. Tsk. Ang daming alam, right?
"Bakit?" Boring na tanong ko sa kaniya. Ang daming alam. Ayaw pang diretsuhin.
"Naghahanap yung asawa mo ng turon! Gabing gabi, tol! San ka hahanap non?" Tumatawang tanong ni Marlon.
Automatic na nabulunan ako dahil sa sinabi ni Marlon! Anak ng putcha! Saan ako hahanap ng turon ng ganitong oras? Kabadong tinignan ko naman yung oras sa cellphone ko,
1:40 AM. Seryoso ba 'to? Bakit gising pa siya ng ganitong oras? Hays. Namro-mroblema ako talaga ako kung saan ako makaka-hanap ng turon...
"Alam mo na kung saan ka makaka-bili?" Natatawang tanong ni Ivan. Tsk. Hindi ko din alam kung saan... Napahawak na lamang ako sa sentido ko dahil sa pagka-stress.
YOU ARE READING
A Broken Hope (Love Series #1)
RandomThis story is all about to Kailanie Hope Fuentes and Casper Sanchez. book cover credits: @eurexaa