"Casper! Bro dito oh!" Sigaw ni Jasper sa akin. Palagi kong napapansin sabay palagi sila ni Kaila mag lunch ah.
May dapat na ba akong ika-selos? Char.
"Uy bro! Salamat! Hi Miss. Sungit." Bati ko kay Kaila at ngumiti dito pero syempre ano pa nga ba makukuha kong sagot dito? Edi irap na naman. Pero, okay lang. Cute naman siya.
"Nasan sila Ivan?" Tanong ni Jasper sa akin. Sabi na nga ba 'e. Ayan itatanong niyan.
"Hang over. As usual." Aniya ko at sinimulan ng galawin yung lunch ko.
Tahimik lamang ako na nakikinig sa usapan nilang dalawa habang tahimik din na kumakain. Selos ba ako?
Ah... Naalala ko tuloy. Nakita ko siya isang araw noon sabay sila ni Jasper na umuwi pero itong si Kaila pumasok sa computer shop. Siguro doon siya nag tra-trabaho.
"Anong trabaho mo dun? Tiga bili ng ice tubig ng mga nag lo-lol?" Pangaasar ko dito.
"Epal ka? Hindi ka kausap. Hanggang dito lang!" Aniya na asar na asar. Cute talaga. Pakasalan na kita diyan.
"Baba naman ng standard mo, tsk, tiga bili ng ice tubig. Magkano sahod mo? Limang piso?" Pero syempre kailangan natin mag-pigil. Baka mahalata tayo.
"Alam mo kung wala kang magandang sasabihin umalis ka na lang, huh?! Ang dami daming bakanteng table!" Galit na galit na sigaw ni Kaila sakin. Hindi tuloy maiwasan mapatingin ng ibang students na mapatingin sa table namin.
Ingay naman ng mapapangasawa ko...
"Ayoko nga. Ikaw na lang umalis, Miss. Sungit." Pangaasar ko pa din sa kaniya.
"Ikaw ang umalis! Sino bang nauna dito, ha?!" Kulang na lang mag buga siya ng apoy dito.
"Bakit? Pag mamay-ari mo ito? May naka-sulat na pangalan mo? Bat parang wala naman ata?" Sunod sunod na tanong ko dito.
"Bwisit! Bakit sinabi ko bang meron, huh?! Utak munggo ka talaga!" Sigaw na sagot ni Miss. Sungit.
"Kalma! Garet na garet, yern? Rawr!" Aniya ko para mas lalo siyang mabwisit sa akin.
"Lord! Lord, bakit naman po ganito oh? Bakit naman po may bwisit at asungot dito? Lord, please, kunin mo na po siya!" Sabi ni Kaila. Ganda talaga eh.
"Lord, iuna mo na po si Miss. Sungit. Mukhang mas kailangan niya magpahinga ng maaga!" Syempre hindi tayo magpapatalo. Dito na nga lang kami nakakapag usap ng matagal.
"Wow! Ang kapal ng mukha mo! Ay! Nakalimutan ko. Hindi ka pala tatanggapin sa langit. Baka sa hell pwede pa." Aniya.
"Ay! Same, Miss. Sungit. MAS lalo ka palang hindi tatanggapin ni Lord sa langit. Bawal daw masungit don eh." Nakangising sabi ko sa kaniya.
"LORD! PLEASE GIVE ME PATIENCE! PLEASE, LORD!" Sabi ni Jasper. "Hindi talaga pwedeng hindi kayo mag aasaran sa isang araw 'noh?" Pagtatanong nito sa amin.
"Bwisit kasi iyang pinsan mo!" Inis na sabi ni Kaila at inirapan na naman ako.
"Ang gwapo ko kasi, tol." Sabi ko kay Jasper.
"Huh?! San banda?!" Tanong ni Crush. Ouch. Medyo masakit Kaila, ah.
"Dito."
"OH! AWAT NA! NAGSISIMULA NA NAMAN KAYO!" Sigaw samin ni Jasper.
"Uuna na ako Jasper. May kailangan pa akong puntahan." Sabi ni Kaila at inayos na yung bag nito at umalis na.
Iiling iling ko na lamang itong pinanood at muli ng ipinagpatuloy yung pagkain. Buo na naman araw ko.
YOU ARE READING
A Broken Hope (Love Series #1)
RandomThis story is all about to Kailanie Hope Fuentes and Casper Sanchez. book cover credits: @eurexaa