Tahimik lang kami ni Casper dito sa loob ng dorm ko. Dito na kami dumiretso dahil wala na din naman kaming ibang lugar na maisip na pwedeng puntahan.
Hindi pa din ma-wala sa isip ko yung nangyaring scene kanina. Tulala pa din ako.
Mukhang napansin din ni Casper na tulala lang ako at mukhang walang balak mag salita kaya hindi na siya nag dalawang isip pa na pangunahan ang pag sasalita.
"Kaila, ayos ka lang?" Tanong ni Casper sa akin.
Nanatili lang yung tingin ko dito sa bintana, "O-oo." Aniya ko. Ayos lang ba talaga ako? Bakit hindi ko maramdaman na okay ako?
"B-bumalik siya. Bumalik siya, Casper." Nauutal na sabi ko kay Casper habang diretso pa din ang tingin sa bintana.
"Nag usap kayo?" Muling tanong sa akin ni Casper.
Umiling lamang ako dito at pa simpleng pinunasan yung tumulong luha sa aking kaliwang pisnge.
Mukhang hindi naman naka-takas sa paningin ni Casper yon kaya inabutan ako nito ng tissue paper na nandito sa side table ko.
Agad ko namang tinanggap ito at ngumiti ng tipid, "Salamat." Mahinang sabi ko dito.
"Anong nararamdaman mo, Kaila? Masaya ka ba?" Tanong sa akin ni Casper.
Masaya ba ako? Dapat bang maging masaya ako kasi yung taong gusto kong bumalik noon ay bumalik na...
Hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko. Hindi ko ma sabi. Kasi, pakiramdam ko hindi naman talaga ako masaya.
Oo, noon masasabi kong magiging masaya ako kung bumalik siya. Pero, ngayon? Hindi. Hindi ako naging masaya ng makita ko siya.
Hindi ako masaya ng bumalik si Jasper...
"Hi-hindi. Okay ako! Promise! Anong gusto mong pagkain? Mag luluto ako." Aniya ko at umiwas na sa mga tanungan ni Casper.
"Fries na lang. Cheese flavor ha." Sabi ni Casper na mukhang nahalata na ayokong pag usapan si Jasper.
Mabuti na lang may stock ako ng fries dito sa mini fridge or mini ref na regalo sa akin ni Casper.
Sinimulan ko ng ipag luto si Casper ng fries habang busy naman itong kakakalikot sa kaniyang phone.
Nakakahiya nga kela Martha at Gia dahil nagpaalam din agad kami sa kanila pero ayos lang daw naman dahil aalis na din naman daw sila maya maya.
Babawi na lang ako sa kanila.
"Kumain ka muna diyan." Sabi ko kay Casper at inilapag sa side table ko yung niluto kong fries para sa kaniya.
"Yown! Salamat sa ayuda!" Aniya at dali dali ng nilamutak yung fries na kakaluto ko pa lamang.
Death hungry talaga.
Nag half bath na muna ako dahil pakiramdam ko ang lagkit lagkit ko na at nag skin care na din ako para ma-maintain ko yung pagiging clear skin and glass skin ko.
Wala lang. Share ko lang.
"Hindi ka na naman sasabay sa lunch, Maureen?" Tanong ni Gia kay Maureen.
"Hindi eh. Promise! Babawi ako sa inyo, ha? Sorry na. I have to go na! Love you!" Aniya ni Maureen at nagmamadali ng umalis dito sa cafeteria.
Tumango na lamang kami sa kaniya at sinimulan ng kumain ng lunch. Wala si Maureen. Wala din si Casper. Hays.
Tatlo lang kami dito na sabay sabay mag lunch. "Ano bang pinagkakaabalahan niyang si Maureen tuwing lunch?" Hindi ko na maiwasang mag tanong dahil ilang beses na niya kaming iniiwan tuwing lunch time.
YOU ARE READING
A Broken Hope (Love Series #1)
RandomThis story is all about to Kailanie Hope Fuentes and Casper Sanchez. book cover credits: @eurexaa