14

51 45 1
                                    

"Maureen!" Sigaw ni Gia at halos malaglag yung panga ko ng makita ko kung sino yung kasama nito...

Siya?

"J-jasper?" Mahinang sabi ko habang hindi pa din makapaniwala.

Totoo ba ito? Baka naman nanaginip lang ako, ah. Kung panaginip ito pakigising na ako. Ngayon na.

"Guys!" Sigaw ni Maureen at lumapit sa kinaroroonan namin habang hawak kamay nito si Jasper na ngayon ay halata mong nabigla din katulad ko.

Tinignan ko si Casper na ngayon ay tahimik lamang at walang ka-emosyong ka-emosyong naka tingin kay Casper at Maureen.

So... Siya pala yung Prince Charming ni Maureen? O-okay. Nice. Bagay sila.

"Hi, guys! This is Jasper, btw!" Aniya ni Maureen at ipinakilala kami isa isa.

"Kaila." Formal na sabi ko dito at ngumiti ng tipid sabay iwas ng tingin.

Wews. Ang awkward. Seryoso. Sobrang awkward.

"Gia, pwede ba nating isama muna sandali si Jasper?" Tanong ni Maureen kay Gia na ngayon ay hindi mawala ang ngisi sa kaniyang mga labi.

"Oo naman! Sure!" Aniya ni Gia at nag thumbs up pa ito.

Tahimik lamang din si Kino katulad namin ni Casper at hindi kumikibo.

Kelan pa sila nagkakilala ni Maureen? So, hindi nga ako nanaginip nung nakita ko siya sa bahay nila Maureen.

Siya nga talaga yon. Si Jasper nga talaga...

"How about, mag onting drinks kaya us?" Tanong sa amin ni Maureen habang naglalakad pa din kami sa kalsada.

"Walang US, kami na bibili ni Casper ng maiinom." Mabilis na sabi nitong si Kino at walang ano ano'y hinila si Casper palayo sa amin.

Akmang susundan ko naman ito ng harangan ako ni Jasper.

Si, Jasper?

"What?" Masungit na sabi ko dito.

"Wag ka ng sumunod... Delikado, atsaka mag isa kang babae." Aniya ni Jasper.

"Hindi ako gagawan ng masama nila Jasper at Kino." Matigas na sabi ko dito at mabilis na umalis sa tabi nito.

Teka, bakit ba kasi iniiwanan nitong si Maureen yung boyfriend niya?

"So, uso mag kwento ano? Ehem!" Aniya ni Gia at kunwari pa'y inuubo.

Nakapalibot kami dito sa lapag sa dorm nila Gia. Nag sisimula na ding mag inuman.

"Si Jasper. Manliligaw ko." Sabi ni Maureen at napatakip pa sa kaniyang mukha na akala mo'y kilig na kilig.

Ah, manliligaw.

"Kelan pa yan?" Tanong ni Gia kay Maureen.

"Matagal na din." Si Jasper na yung sumagot dito at nginitian si Maureen.

"Sana all naman..." Aniya ni Kino at nilagok ng sunod sunod yung alak na iniinom namin.

Tamang lambanog lang.

Inirapan naman ni Maureen si Kino.

"Laro tayo!" Pagiiba ng topic ni Casper dahil siguro'y napansin din nito na naging awkward yung paligid.

"G! Truth or Dare!" Sabi ni Gia at sinimulan ng ipaikot yung bote.

"Oh, Kino, truth or dare?" Si Casper yung nagtanong dito.

"Truth." Matapang na sambit ni Kino.

"Sinong crush mo?" Nakangising tanong ni Casper dito. Loko talaga. Hindi man lang irespeto yung manliligaw ni Maureen.

A Broken Hope (Love Series #1)Where stories live. Discover now