I woke up feeling sick this morning. My head and body hurts. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Hindi talaga ako sanay na bumyahe, I always feel na parang ang bigat ng pakiramdam ko everytime I travel.
I checked my phone, it's 7:30 in the morning. I need to eat so I can take my medicine.
Sinubukan kong tumayo at bigla ang napahawak sa ulo dahil nang pagkatayo ko ay nahilo ako. Fuck it. Gusto ko pa namang gumala at umikot sa lugar na 'to.
I washed my face and changed my clothes. Hindi muna siguro ako maliligo kasi baka lalo akong magkasakit. Nag half bath lang ako. I just wore a oversized shirt and pants.
Nang binuksan ko ang pinto ay may naririnig akong ingay sa baba. May bisita ba ulit si lola?
Pagkababa ko sa hagdan ay nakita ko si Euan, first name basis na kami ngayon. Well, we're friends now. Sa gilid niya ay may dalawang babae. Ang isa ay mukhang bata pa at ang isa naman ay--
Biglang nahagip ng tingin ko ang isang lalakeng hawig ni Euan. Mas maamo at parang inosente nga lang ang aura ng isang ito.
"Anak." Nawala ang aking iniisip. Nagulat naman ako nang nakita ko sa aking tabi si papa.
Kunot-noo ko siyang tinignan.
"Pa. Bakit andito sila? May kaganapan ba?" Koryuso kong tanong.
"Maurice, kailangan mong makipag-kaibigan sa kanila para narin hindi ka mabagot dito. I know you can be friends with them, you're good at communicating right? Be kind, anak." My dad said in a concerned tone. I already know that, but I want to be alone just for this day.
Napangiwi ako at pilit na ngumiti.
"Okay..." Nagpaalam naman si papa na aalis at pupuntang manila dahil may aasikasuhin daw siya sa kompanya. Nasaan si lola?
Tiningnan ako ng isang babae na biglang pinulupot ang kamay sa braso ni Euan.. Maganda siya. Maikli ang buhok at makurba ang katawan. At yung suot niya ngayon... Kinulang ba siya sa tela?
Wala namang masama na magsuot ng ganiyan. I sometimes wear that kind of clothes. It's my way to express myself, so I just erased the bad thoughts in my head.
Kung makatingin naman kasi siya ay parang ngayon lang nakakita ng dyosa na naka simpleng pambahay lamang. Galit ka girl?
Ang isang babae naman ay nginitian ako. May hawig ito sa dalawang lalake na nasa harap ko, si Adri at anong pangalan ba nito?
Natigil ang pag-iisip ko at tumingin sa lalakeng nagsalita.
"Hello. I'm Aiden, you must be Ellie right?" Nakangiting pagpapakilala niya saakin. Mabuti pa 'to parang napakabait lang, mas magaan ang loob ko dito. Hindi katulad ng isa diyan, para bang kakainin niya ako ng buhay!
"Yes, I'm Ellie Maurice Gomez." Nasanay na akong magpakilala ng sinasabi buong pangalan ko. Maganda naman pangalan ko. Why not share it with everyone, right?
Naupo narin ako sa sofa na nakaharap sakanila.
"This is Angelica." Itinuro niya ang nasa gilid ni Euan. Oh, yung babaeng nakakapit parin sa braso niya ay Angelica?
Hindi masyadong bagay sakaniya pangalan niya eh. I glanced at her. I cannot help it, my brows furrowed from the way she looked at me. Parang pinapatay na ako neto sa isipan niya.
"My little sister. Aliana" She pointed the one beside Angelica. Maybe she's just years younger than me. Kaya pala kahawig niya si Aiden, magkapatid pala sila.
Nang napabaling ako kay Euan, nakatiim ang kaniyang bagang at madilim ang tingin ng kaniyang mga mata. Para bang alam niya na kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Ano ba naman 'yan! Lalong sumasakit ang ulo ko, kagigising ko lang eh, wala akong ginawang masama. Hmp.
YOU ARE READING
A Promise Of A Lifetime
Teen FictionA promise that is meant to be broken might hurt me for a lifetime.