It's hard not to admit that I am too attracted at him. Marami na akong modelong nakatrabaho at mga artistang nakakasalamuha. I've been with so many good looking guys before, karamihan ay kaibigan ko pa. Hindi naman ako agad agad nahuhumaling when it comes to the looks. Iba lang talaga ang dating niya.
It's crazy. I mean, I just met him. Well, honestly speaking, he is really that handsome so it's not a big deal.
Huminga ako ng malalim. Para akong nalulunod kahit abot dibdib ko lang ang tubig. I am too mesmerized to the point I can't think straight.
Keep it cool, Ellie!
"Euan" I said, a bit nervous. But at least, I didn't stutter.
I pressed my lips together. Tiim ang bagang habang nakatingin saakin. His eyes drifted on my body. Hindi ako sigurado kung nakikita niya ang katawan ko sa ilalim ng tubig na ito. At nang bumaba na ang tingin ay mas lalong dumilim ang kaniyang mga mata.
"Hey, big brother." Lumapit si Aiden at inakbayan ang diyos na kanina pa nakatitig saakin. Kung nakakatunaw lang talaga ang mga tingin niya, kanina pa ako naka-lutang at nakahalo sa tubig.
Hindi ito nagsalita pabalik. Tinanguan lang ang kapatid habang unti-unting lumalapit saakin.
What the fuck. Don't come near me. Para akong nanlalamig na hindi ko maintindihan.
Akmang lalangoy na sana ako palayo nang may humawak sa palapulsuhan ko. Bahagya niyang hinila ito palapit sakaniya. My breathing hitched because of his sudden move. Jusko po!
Mukhang nahalata niya naman ang gulat saaking mukha. Kaninang mahigpit na paghawak ay unti-unting kinalas ito ngunit hindi tinatanggal ang titig saakin. I looked away avoiding his dangerous and intense gaze.
"What are you doing?" He asked in a soft tone while suppressing the rage he is feeling right now. I can see in his eyes that he is not happy seeing me like this. Or is it just my imagination?
"Uh, swimming?" I said in a questioning tone. I can't think of anything right now. Para akong magnanakaw na huli sa aktong may ipinu-puslit. Why am I feeling this way?
At kailan pa ako nawalan ng salitang sasabihin?
Ngayon lang!
"Uh-huh. You just got sick and now you're having fun swimming here with my... brother." Dahan dahan niyang sabi at tumigil habang diniinan ang salitang 'brother". Ano bang problema niya?
"Ang s-sabi ko. Okay n-na ako." I feel a little bit uneasy from the way he watches me.
I tiptoed and cranked a bit to see if Aiden was still there, matangkad naman ako pero hanggang sa may panga lang ako ni Euan and his body built is covering my sight.
Lalo lang akong kinabahan nang wala akong makitang kahit anino niya. Wala na si Aiden!
Nasaan na 'yon? Talagang iniwan ako?!
"Ellie." May diin nitong sabi. Napakurapkurap ako.
"Huh?" Hala buang. Para akong na-tanga, fuck. "Nilalamig na ako." Iyon na lang ang lumabas sa bibig ko.
Hinayaan niya na akong makalayo at maka-ahon sa pool. Agad ko namang kinuha ang roba upang pang-tapis sa katawan. Hindi ko na ginamit na pangpunas ang twalyang nakahanda dahil bigla akong na conscious sa katawan ko. Why am I being too conscious? I know that I'm sexy, I just can't help it. Lalo na't may parang mapagmat'yag na matang nag o-obserba saakin.
Habang inaayos kong matakpan ang katawan ay halos mapatalon ako sa gulat sa biglaang tawag ng kasambahay.
"Ma'am Ellie, andiyan na po si Senyora. Hinahanap ka." Tumango na lamang ako. Nakita ko sa gilid ng aking mata si Euan. Sumulyap ako sakaniya at hindi napigilang mapatitig sa kaniyang tiyan. Uhm, perfect abs.
YOU ARE READING
A Promise Of A Lifetime
Teen FictionA promise that is meant to be broken might hurt me for a lifetime.