05

26 4 7
                                    

It's feels like I'm in a place where the prince and princesses loves to play. Parang gugustuhin mo talagang manatili dito, nakakapawi ng pagod at lungkot.

Hindi ko inaakala na mayroong ganitong lugar at engrandeng mansion sa probinsyang ito! Napaka ganda at mapapa-ibig ka talaga sa mga halamang nasa paligid. May mga bulaklak din. May nakita akong roses and---- Sunflower! 

My attention diverted to the beautiful butterflies. Ang iba ay pinapaikutan ang mga halaman at bulaklak. I'm smiling happily while entering the main door.

Pagkapasok palang sa bukana ng mismong mansyon ay makikita mo kaagad ang mga mamahaling paintings sa paligid. And double doors ay kulay ginto, para bang isa rin ito sa mamahaling bagay sa loob ng mansyon.

Malinis na malinis ang bawat sulok nito. Kakailanganin talaga ng mga kasambahay para lang mapanatili ang kalinisan sa loob.

"This is my home..." Euan said. "Do you like it?" He looked at me with so much adoration in his eyes.

I nodded and smiled. "I love it! This is so beautiful. This place is just amazing and-- I can't explain! I'm speechless..."

Hindi muna ako magtataray o magiging bastos sakaniya. I'll be a good girl, kahit ngayong araw lang!

He chuckled. "I'm glad that you loved it. Come on, let me introduce you to my cousins and my parents. Although, they already know you."

Iginaya niya ako sa living room at ipinaupo. Umalis saglit si Euan dahil magpapalit daw muna siya ng damit. Mabango pa naman siya pero, nevermind.

Habang nakaupo ako ay may mga boses akong narinig.

Papalapit ng papalapit ang boses at nakita ko na ang mga pinsan niya, with Lola, Mr. Smith, Aiden and Aliana. Hindi ko lang sigurado kung ang nanay niya ay ang babaeng nasa tabi ni Aliana, I mean she looked like just her sister.

Nang makita ako ni Aliana ay agad itong tumakbo palapit saakin. "Hey ate..."

"Hii, Ali!" Sagot ko naman.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko nanaman ang presensya ni Euan. Nakapag-palit na nga ito ng damit, he's wearing a simple V-neck shirt and shorts. Damn.

"Iha... these are his cousins and his parents." Lola told me. "Everyone, this is my Granddaughter, Ellie Maurice Gomez." I just smiled at them. 

Lumapit saakin si Euan at Iminuwestra ang kamay.

He then started to introduce his cousins one by one. "This are my cousins. Luigi, Rylee, Zach and Kean..." Itinuro niya iyon isa-isa. Tatlong lalake at isang babae. The girl, Rylee... she's like Aliana. Ang tatlong lalake naman ay iba ang pinaparamdam saakin, they're like Euan. Their presence makes me feel intimidated, but I don't mind.

"Hello. I'm Ellie, nice to meet you all." I said, crystal clear.

"And, my parents. My mom, Celestine and my father, Leonardo." Kinabahan naman ako sa pinakilala saakin ni Euan. 

I can't help but to simply bit my lower lip and try to hide my shyness. You're a Gomez! 'Wag tatanga tanga!

"Hello po Maam, Sir. Nice to meet you po." Lumapit ako para magmano. My mom taught me to respect adults and be polite. How I wish she's here with me right now.

"What an elegant woman!" She exclaimed with joy. "Nice to meet you too, iha. Ang liit liit mo pa noong huli ka naming nakita." Wika nito at halatang natutuwa siya sa nangyayare.

"Mom, you'll scare her..." Marahang sabi ni Euan. His father just laughed because of that. Umiling lamang ako. "No it's okay..." I said. It's not that I'm not used to people. I smiled again.

A Promise Of A LifetimeWhere stories live. Discover now