chapter 7

28 7 9
                                    

A/N:

gosh antagal ko mag update no? Sorry naman busy kasi kaka module HAHAHA. Pero buti nag intay ka :( sa update ko bigyan ng isang libo Yan
Ge basa kana keepsafe okay.

__________________________________________________

Linggo ng umaga at nakatunganga lang ako sa aking kwarto. Nag iisip lang naman ako kung saan na naman ako makakahanap ng ma-raraket at pang dag-dag din sa ipon ko.

Tumayo na'ko sa higaan ko para pumunta sa tindahan nila Nathan. Baka may ipapa deliver na naman 'yung mama niya kaya baka magka pera ako.

Dumiretso ako sa aming mumunting kusina at nakita ko si mama na nagluluto.

"MA!" Pagtawag ko kay mama.

Natawa nalang ako sa reaksyon ni mama habang gulat na gulat sa pag tawag ko. Halos ma itapon na sakin yung sandok dahil sa gulat nito.

"Parang naka kita naman ng multo 'tong si mama grave maka react."

"Abay siraulo! Muntik mo na'kong patayin sa gulat bat kaba pa sigaw-sigaw pasasabogin mo ba tenga ko o ikaw pasasabogin ko bungo mong bata ka." Inis na sambit ni mama.

"Grave sya oh, gusto ko lang naman itanong kung ano ginagawa mo." Ani ko.

"Abay natural nagluluto bulag ka? Maliit kasi mata mata mo palakihin mo sa susunod ng di ka tanong ng tanong."

"Grave kana talaga sakin ma ah, nahuhurt ako sayo, dami ng ulam natin ngayon ma may birthday?"

"Wala, sweldo ko kasi kahapon kaya bumili ako ng isang kilong Karneng baboy tska manok." sambit ni mother earth.

"Sus, di naman na kailangan ma andami mo pagod na pagod kananga sa trabaho tas maghahanda kapa ganto bungga ka ha sarili mo den muna isipin mo ma gusto mo bili kita make-up baka makahanap ka porenjer( Foreigner) ganda ganda ng mama ko e."

"Sus, 'di ko na kailangan ng make-up nayan or porenjer porenjer nayan no sapat na kayong dalawa sakin ng kapatid ko kayo ang buhay ko."

"Nako, kayo den ang aming mother earth our loving mother earth ma, Mahal na mahal ka namin ng kapatid ko." Sambit ko kay mama at inayos ko ang aming pagkakainan.

Lumabas ako para hanapin ang chunggo kung kapatid. Nasan na naman kaya yung batang 'yon kung san-san nagpupunta, sguro pinaglihi sa gala itong kapatid ko nato.

Pumunta ako sa may kanto kung san palagi naka tambay ang kolokoy kung kapatid. " Ton ton!" Pag tawag ko sa kapatid ko.

Ano nanaman ginagawa nyu jaan? Nilapitan ko siya sabay batok.

"Aray kuya! ano nanaman den ba?! mind your own desnes!"

"Anong desnes-desnes kajan, business panot hali ka nanga kakain na tayo." Ani ko sa kapatid ko

Marahan akong umupo sa pinagkakatayuan ng kapatid ko " Dali angkas kana sa likod ko."

Lumapit siya sakin at akmang aangkas na sa likod ko pero bigla siyang huminto "Ops I pordat (forgot) kuya malaki na ako at may crush naden ako baka makita ako ng crush ko."

"Yuck, anong crush kajan di ka panga marunong mag laba ng brief mo mag-isa, crush crush ka jan kutusan kita e." Malakas na tuno ng aking boses na sapat ng marinig ng mga batang babae sa tapat ng puno.

Nakita kong nakanguso at nakataas ang kilay ang kapatid ko luh galit yan be? "Oh? anong nginuso-nguso mo jan?."

"Agh! nanjan yung crush ko kuya!." Sabay turo ng nguso niya sa sinasabing crush niya daw.

"Ah yan pala ha sige sasabihin ko na cr-" di natuloy yung pag-salita ko ng bigla akong sinikmurahan ng kapatid ko.

"Aray! Humanda ka saking bata ka" sabay habol sa kapatid ko pauwi sa bahay.

A Lifetime With You (ON-GOING)Where stories live. Discover now