chapter 4

56 24 49
                                    

Dos POV

"Kinabukasan"

Maaga akong nagising at naligo bago pumasok sa school siympre nag toothbrush na ako kahapon lang hindi.

Matagal akong nakatulog kagabi di paden mawala sa isip ko yung ginawang Kong katarantadohan.

Di ko naman siya gusto duh hindi ako choosy hindi ko lang talaga siya type i can make her mine in a second kung gugustohin pero di ko talaga siya type.

Ng natapos nako maligo. Nagluto muna ako ng umagahan halatang pagod si mama kaya ako muna ang magluluto inasikaso ko naden yung kapatid ko para papasok na siya sa school,  7 yrs old palang kapatid ko at siya si Clayton San Jose astig yung name diba kaso sobrang kulet nito pero okay Lang nauutusan Naman.

Pag tapos kumain ng kapatid ko hinatid ko muna siya sa school nila para masigurado ko na okay lang  siya hiniram ko ang bisekleta ng aming kapit bahay at pina angkas ang kapatid ko maaga pa naman kaya sigurado akong di ako ma l-late.

Ng nahatid kona ang kapatid ko dumeritso agad ako sa bahay para kunin ang bag ko at pumasok.

Pag dating ko sa  bahay nakita ko si mama na kumakain na at tulala lang siya na kumakain siguro pagod lang talaga si mama sa paglalabada at sa palengke.

May pwesto kasi kami sa palengke na pinagkukunan ng pang araw-araw namin.

Yung ulam pala namin ay piniretong isda.

Mahirap lang talaga kami kasi nga iniwan kami ng papa namin, (kung tatanongin mo kung bakit sinabe ko nayun kanina).

Nag paalam nako kay mama para pumasok sa school.

"Ma aalis napo ako" Pag pa-paalam ko at nagmano sakanya.

"Sige na mag aral ka ng mabuti ikaw nalang ang pag-asa natin para makaahon sa buhay" Sambit ni mama halatang pagod na pagod siya at pagod na pagod na siya sa pag ta-trabaho kaya nag a-aral ako mabuti para sa amin.

Tumango nalang ako at ngumiti kay mama ayuko na nakikita niyang nalulungkot den ako, kaya I will fake my smile as long as i can para lang hindi na madagdagan ang problema ni mama.

Ng nagpaalam nako para umalis dumiretso agad ako sa tindahan nila nathan para umutang ng uulamin namin mamaya, hindi na sana papabayaran ng mama ni Nathan yung inutang ko pero sinabi ko na hindi na kasi mag may raket ako mamaya.

Kulang kasi sa tiga hakot ng bigas yung raket na napasukan ko medjo di ako sanay sa pag bubuhat pero sayang naman kikitain.

Dumeritso nako sa school pag tapos ko dumaan kanila Nathan.

Nauna na pala si Nathan kaya di ko nakasabay nakita kong nakasunod si client sakin at binatukan ako bigla.

"Tangina mo" Gulat ko sambit dahil sa pag batuk niya. Nakita kong nakangiti siya kaya malamang kukuda na naman to.

"Bruh, inaya ka daw ng mama ni aiyvi na maghaponan sa kanila kagabi" Pang a-asar niyang tono. Eto na naman siya paulit-ulit alangan naman tanggihan ko yung grasya no.

"Oo bruh , selos ka?" Pabiro ko dahil ayuko na pag usapan pa kasi kung saan-saan napupunta usapan pag kumuda siya.

"Nako bruh baka mean to be talaga kayu as in cross my lungs." Pabiro Niya pading sambit. Diba kung ano-ano na pinagsasabi.

"Tss, walang ganun study first ako bruh alam mo yun tska kung mean to be niya ako kailangan nya mag intay kasi nga study first ako"

"Nako bruh tara na puyat lang yan"  tumawa siya at nakitawa nadin ako plastik akong kaibigan minsan napaka liit kasi kaligayahan nito kaya kahit hindi nakakatawa tatawa talaga.

A Lifetime With You (ON-GOING)Where stories live. Discover now