CHAPTER 2

590 13 0
                                    

CHAPTER 2

Katatapos lang ng sembreak at eto kami tambay lang sa classroom. Hindi pa kasi pumapasok ang ibang teacher.

“Pre, tara DOTA tayo after class.”

“O sige ba.” Sagot ko naman. Biglang lumapit sa akin si Hope. Magkaklase pala kami.

“May sasabihin ako.” Tumayo naman ako at lumabas kami para makapagusap. Andito kami ngayon sa corridor.

“Ano iyon?” Tanong ko habang nakatanaw sa mga nagbabasketball sa quadrangle.

“Uhm..”

“Hmm?”

“Pwede bang..” tumingin naman ako sa kanya. “Pwede bang ilakad mo ako kay Harley?”

“Ha?” Gulong gulo na sabi ko naman.

“Uhm.. Never mind! Bye!” Saka siya umalis. Harley? Harley Santiago? Yung kaibigan ko?

“Oi, pre.” Speaking. Eto nga pala si Harley Santiago, isa sa mga kaibigan ko.

“O?”

“Favor naman chong.” Sabi niya at nakangisi.

“Ano?”

“Palakad naman ako kay Hope.” Parang kanina lang si Hope ang lumapit sa akin at nagpapalakad kay Harley ngayon naman siya.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Matagal ko ng gusto si Hope ehh. Achaka, ikaw ang kaibigan ko na malapit kay Hope. Siguro naman matutulungan mo ako?” Anong sasabihin ko?

My Bestfriend, My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon