CHAPTER 10

471 11 0
                                    

CHAPTER 10

Naramdaman ko na lang na nasa tabi na ako ng kalasada at sobrang daming bato. Pagtingin ko sa kalasada, si Benjamin.. duguan.

Sa sobrang gulat ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Bumaba ang driver ng kotse at tinulungan si Benjamin. Ako naman tumakbo papunta.

“Benjamin? Benjamin?!” binuhat siya ng driver sa kotse, sumunod naman ako at pumunta kaming hospital.

Habang papunta kami ng hospital hindi ko mapigilang umiyak.

“Benjamin? Wag kang susuko ha? Malapit na tayo sa hospital. Malapit na. Tiis lang ha?”

“Don’t.... cry...” Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko dahan dahan. Hinawakan ko ang kanyang kamay na nasa pisngi ko.

“Yung promise mo, tutuparin mo iyon diba? Forever na promise iyon, Benjamin.” He smiled.

“Kahit... wala na ako.. anjan pa din.. ako.. lagi.. sa tabi.. mo.” Putol putol niyang sabi.

“Sshhh.. Huwag ka ng magsalita.”

“I love you, Alyssa Hope.”

Bumukas ang pintuan ng emergency room. Andito na din ang mga magulang ni Benjamin pa din na din ang ate ko.

“Sino dito ang kamag-anak ng pasyente?” Tanong ng doktor. Nagsilapitan naman kami.

“I’m sorry to say...” Biglang yumuko ang doktor. No! Hindi ito pwedeng mangyari. Tumakbo ako papasok sa emergency room. Nakatakip ang katawan ni Benjamin. Hindi.. Hindi ito pwedeng mangyari!

“Benjamin! Bakit?! Sabi mo sa akin hindi mo ako iiwan?! BAKIT?!!” iyak na lang ako ng iyak.

Ngayon ang libing ni Benjamin. Nasa sementeryo na kami ngayon. Sobrang sakit! Hindi pa din ako makapaniwala. Hinawakan ko ng mahigpit ang kwintas na binigay niya sa akin.

“Miss.. ikaw ba si Hope?” May isang babae na lumapit sa akin. Tumango naman ako.

“Ako nga pala yung nurse na nasa emergency room noong si Benjamin..” Tumango tango naman ako.

“Ano po iyon?”

“Binigay niya sa akin ito. Sabi niya ibigay ko daw ito sayo.” Binigay niya sa akin ang isang PSP ni Benjamin. Binuksan ko ito at kinalkal. Sa pictures, puro picture ko. Sa video folder naman, may isang video doon at plinay ko.

“Hope! Hi babe, hmm.. Wala akong masabi. Basta mag-iingat ka. Mahal na mahal kita. Happy Anniversary! Tandaan mo lagi, nasa puso lang kita. Kita mo yang binigay ko sa iyo? Simbolo ng pagmamahal ko. Ingatan mo yan ha? Huwag wawalain. Pasaway ka pa naman. Yun lang. I love you.” Hindi ko mapigilang umiyak.

Benjamin, I love you, too.

My Bestfriend, My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon