CHAPTER 3

528 12 10
                                    

CHAPTER 3

“Ano pre? Tutulungan mo ba ako?”

“Paano pagsinabi kong ayoko?” Maangas kong sagot. Etong si Harley kasi ang isa sa mga chickboy dito sa school. For short, boyfriend ng bayan. Nakailang girlfriend na din ito, laging papalit palit. Tapos ngayon.. isasama niya sa collection niya si Hope? Tss. Di yata pwede yun!

“Benjamin naman. Wag mong sabihin na gusto mo din si Hope?” Nakangising sabi niya.

“Paano kung sinabi kong oo?” Paghahamon ko sa kanya.

“May the best man win, kung ganoon.” He tapped my back at umalis na.

Hindi ako papatalo.

Uwian di na ako sumama sa mga kaibigan kong maglaro at eto ako ngayon hinatid si Hope.

“Uhm, Hope.. about sa.. kay.. Harley. Hindi kita matutulungan.” Nagulat naman siya at napatingin sa akin.

“Bakit??”

“Ahh.. Di kayo bagay.” Yun na lang sabi ko.

“Pfft. Nagpapatawa ka ba Benjamin? Ang corny ehh. At isa pa, pagumibig, walang bagay o hindi bagay.”

“Ano pa?” Tanong ko sa kanya.

“Hmm. Sabi nga nila, height doesn’t matter. Mga ganung echos?”

“Edi ibig sabihin bestfriends doesn’t matter?”

“Ha?” Tumingin naman siya sa akin ng naguguluhan. Magulo din kasi ako.

“Wala nevermind. Pasok ka na. Bye!”

“Ingat!”

Nasa bahay na ako ngayon patulog na at nagiisip.

Oh ano Benjamin? Papalag ka ba?

My Bestfriend, My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon