CHAPTER 9

467 8 0
                                    

CHAPTER 9

After 1 year nagtransfer siya sa dream school niya. Syempre tinulungan ko siya para makapasok. Nag-aral kaming mabuti at gaya nga ng pinangako ko sa kanya, hindi ko siya iniwan.

“Benjamin, salamat talaga.” Masayang sabi niya sa akin.

“Wala yun. Sisiw lang.” Pinalo naman niya ako sa braso bigla. “Aray!” Hinimas himas ko naman ang braso kong pinalo niya. Sakit!

“Yabang mo eh!” Saka siya ngumiti.

Status namin? Best friends and girlfriend/boyfriend.

Oo kami na. Ginawa kong inspirasyon si Hope kaya eto ako ngayon, top dean’s lister! Naks. Siya naman dean’s lister din, yun nga lang hindi top. Pero syempre, ginagawa niya lahat ang best niya. Sinusunod niya lahat ng mga request ko, ganoon din siya.

Akala ko perpekto na ang relasyon namin, yung tipong forever na. Pero hindi, nagkakamali ako.

HOPE’S POV

“Benjamin?! Benjamin?! Naririnig mo ba ako?! Benjamin?!” Bakit nangyayari ito?! Bakit bakit?!! “Benjamin!!” Dinala siya agad agad sa loob ng Emergency Room. Kasalanan ko ito!

Hindi ako pinapasok sa loob dahil bawal daw. Kasalanan ko ito!

Naglalakad kami ngayon pauwi. Masayang masaya ako today dahil kakaAnniversary lang namin. One year na kami, sana kami na talaga.

“Teka, talikod ka.” Sabi niya sa akin. Then bigla na lang may isinuot siya sa aking kwintas. Tinignan ko ito.. ang ganda. Heart shape. Humarap ako sa kanya.

“Thank you!” sabay yakap ko sa kanya.

“Wag mong wawalain yan ha? Lagi mong isusuot yan.”

“Oo, pangako.”

“Tara na, ihahatid na kita.” Bumitaw ako sa kanya saka kami naglakad ulit. Dumaan muna kami sa isang tindahan dahil uhaw na kami.

Habang bumibili si Benjamin ako naman pinagmamasdan ang kwintas na bigay niya. Ang ganda talaga.

Bigla na lang may humablot sa kwintas ko.

“HOY! IBALIK MO YAN! MAGNANAKAW!!” Hinabol ko yung magnanakaw. Kumuha ako ng bato at inihagis ko ito sa kanya. Natamaan naman ito. Hinabol na din ang magnanakaw na iyon ng mga ibang tao.

Nakita ko na lang ang kwintas ko sa gitna ng daan. Pinulot ko ito.

“Akala ko mawawala ka na.” I murmured.

“HOPE!!!” Sigaw ni Benjamin.

My Bestfriend, My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon