CHAPTER 5

466 10 0
                                    

CHAPTER 5

 

“Benjamin? Nakapagentrance exam ka na ba?” Tanong sa akin ni Hope. Nasa bahay kami nila ngayon, nagrereview. Ganito lagi kami kapag may exam.

“Oo, ikaw?”

“Hindi pa nga eh. Baka dito na lang ako sa probinsya mag-aaral.”

“Ha? Paano na lang yung pangarap mong makapag-aral sa UP?” Simula naghigh school siya, pangarap na niyang mag-aral doon. Dahil ang parents niya, graduate doon.

“Eh paano na si Harley?” Kumunot bigla ang noo ko.

“Ipagpapalit mo ang pangarap mo kay Harley?!!” Galit na galit na sabi ko.

“Bat ka naman nagagalit? Ha?”

“Si Harley lang yun, Alyssa Hope! Hindi siya ang solusyon sa maganda mong kinabukasan. Tignan mo, lagi ka ng pinapagalitan ng teacher natin dahil sa lagi kang bumabagsak sa mga quizzes.”

“So sinasabi mo sa akin ang relasyon namin ni Harley ang nakakasira ng pag-aaral ko?!” Pagalit din niyang sabi.

“OO!” I answered her frankly. Bakit? Totoo naman ahh! Imbes na magreview siya sa upcoming quizzes ang inaatupag niya si Harley.

Oo, sila na. After 1 week lang nung sinabi sa akin ni Hope yung mga iyon, yung ligaw ligaw.

“Ang kapal ng mukha mo—“

“Kung ako sayo ibreak mo na yan. Ang boyfriend o girlfriend dapat ay inspirasyon, hindi konsumisyon!”

“Ha! Ang kapal mong magsalita ng ganyan. Hindi mo pa kasi nararanasan ang ganito eh. Ang mainlove? Puro ka kasi pag-aaral. Walang social life. Nerd!” Sumbat niya sa akin.

“Ako? Hindi? Ha!” Paglalaban ko. Sasabihin ko na para magtigil na siya at para mabawasan ang tinatago ko.

“Bakit ha? Nainlove ka na ba? Isa ka lang naman nerd ehh!” Sigaw niya sa akin. Kung ano ano na ang nasasabi niya sa akin sa sobrang galit.

Hindi porke’t lalaki ako hindi ko na pwedeng gantihan ang babaeng katulad niya. Oo, malaki respeto ko sa babae. Pero pagsumosobra, sinusumbatan ko na.

“Huwag mo akong galitin Alyssa. Hindi mo magugustuhan.”

 

My Bestfriend, My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon