Chapter 2: Symbols

772 8 1
                                    

Napakalawak talaga ng mansyon ni Lolo. Maraming antigong kagamitang naka display sa bawat sulok ng bahay na paniguradong hindi biro ang halaga. May mga kasangkapang napakaganda ng disenyo na animo’y binili pa sa ibang bansa. Pangalawang beses palang akong nakarating dito pero para pa rin akong nasusurpresa sa sobrang lawak at ganda ng lugar. Hanggang ngayon e hindi pa rin ako makapaniwalang siya lang mag-isa ang nakatira rito. Siya nga lang ba talaga?

“Take your seats” Magkatabi kaming umupo ni Zandrew kaharap ang Ginoo. Nakaupo na’y panay pa rin ang libot ng aming mga mata sa kalawakan at kagandahan ng Living Room ni Lolo.

“These are all fake,” pasindak na sabi sa ‘min ng Ginoo. “These are nonsense to me kaya ‘wag kayong masyadong mag-iisip kung saan nagmula ang lahat ng iyan.”

Napadako ang tingin namin sa direksyon ni Lolo Filimon na nuo’y naka dekwatro habang umiinom ng alak sa kanyang maliit na baso.

“Lolo hanggang ngayon hindi pa rin ako maka get over sa laki ng mansyon niyo. Sigurado ho bang kayo lang talaga ang nakatirang mag-isa rito?”

“I cannot answer that question Apo and you know why.” Naiintindihan ko kung bakit ayaw niyang sabihin ang buong detalye ng kanyang buhay. Nirerespeto ko naman siya sa bagay na ‘yun pero yun nga lang, hindi pa rin kumpleto at buo sa aking isipan kung sino ba siya, o sino ba ang taong pinakikitunguhan ko.

“I understand,” matipid kong sabi.

“Siya nga pala I forget. Ipakilala mo nga ulit ako sa nobyo mo.”

“O sige Lolo. His name is Zandrew Cozier. He’s the Senior Manager sa isang Accounting Firm. And..... we’re getting married next next week,” pasorpresa kong sabi kay Lolo. Hindi ko na-mention sa kanya ang plano naming magpakasal ni Zandrew kaya alam kong magugulat siya sa di inaasahang rebelasyon ko.

“We’re getting married Sir,” sambit ni Zandrew habang mahigpit na hinahawakan ang aking kamay. Napansin ko namang napangiti ng pasarkastiko si Lolo habang inilalagay sa may maliit na mesa ang iniinom niyang alak.

“Wow! That surprises me. Hindi mo sa ‘kin nasabi ‘yan.”

“Oo nga Lolo e pasensiya na at medyo naglihim ako sayo ng slight,” pangiti kong sabi.

“Noooo. Why say sorry? O’common!” hirit niya. “Pero.... why in a rush?”

Si Zandrew na ang sumagot ng katanungan ng Ginoo. “We’ve planned this for years Sir. Hindi namin siya minadali,” pasagot  niyang tila dumidepensa.

“I see.... Pero you know what? Teka muna, mga balat sibuyas ba kayo?” sabi niya sabay turo ng kanyang hintuturo sa ‘min.

“H-hindi. Ba’t naman Lolo?” paalangan kong sagot.

“You know what? Hindi kayo bagay unang tingin pa lang! You’re not meant for each other! You’re not destined for each other!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love after Time (A Timeless Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon