May laban ng basketball sa school namin ngayon. Practice game para sa nalalapit na provincial
league. Palaro din namin ngayon kaya walang klase tapos okay lang na manuod. May kaklase naman
ako sa varsity, tatlo pa nga sila kaya gusto kong i-cheer. Ang kalaban ata ng school namin ay
yung all boys school sa may kanto. joke. basta medyo malapit lang din sa school namin. Ewan
ko nga ba dito sa lugar namin. Nag-uumapaw sa mga schools.
"Go Tigers!" Yun yung pangalan ng team ng school namin. Hindi pa nga nagsisimula yung game.
May mga nagchi-cheer na. Kawawa naman yung kalaban na school kasi walang magchi-cheer sa kanila.
Kung meron man wala pa sa 1/4 ng population ng nanunuod ng game.
Mamaya pang 3:00 magsisimula yung game kaya bumili muna ako ng maiinom. Init na init na talaga ako sa pwesto ko kanina. Siksikan ang mga tao sa bleacher. Sana lang pagbalik ko kahit man lang kalahati ng pwet ko ay may maupuan.
"ALTHEA~!" Feeling ko may tumawag sa akin kaya lang hindi ko kilala yung boses. Tiningnan ko
yung paligid ko tapos parang wala naman. Siguro hindi ako. Ang dami naman sigurong Althea sa
mundo di ba?
"Althea" May humawak sa balikat ko.
"Ay kalabaw!" Paglingon ko...
si MR. STRANGER!!!!!! Muntik ko ng mabitawan yung iniinom ko sa sobrang gulat. Ano naman kayang ginagawa niya dito?
"AT BAKIT KA NANDITO?" Stalker ko ata siya eh? Baka naman na love at first sight sa akin kaya
hanggang ngayon ay ginugulo niya pa rin ako.
"Basketball" Oo nga naman Althea. Kung nagsasalita yung JERSEY niya baka sinigawan ka na ang
tanga mo naman.
"Aaaahhh. okay." Tapos nagmadali na akong umalis. Nawiwirdohan kasi ako sa kanya. Bakit niya
ba ako ginugulo? Close ba kami? May nagawa ba ako sa kanya dati? Saka anong pangalan niya?
Sa dami ng tanong na naiisip ko ay hindi na lang ako nag-isip. Wala na akong pakialam.
Coincidence na lang naman siguro ang lahat.
Nag-start na yung game. No. 18 yung number ni Mr. Stranger. Nice. Favorite number ko yun eh.
Birthday ko kasi. Hahaha.
"GO TIGERSSSS~~~!!"
Tapos may narinig akong sumigaw "GO NO. 18~~~!" Tss. Hindi ko alam kung bakit nairita ako
sa sumigaw. Bukod sa ang pangit ng boses niya ay nag-iisa lang naman ang number 18 na
naglalaro sa court ngayon.
Hahaha! Talo sila! Tapos na yung game. Lamang kami ng 5 points. Eh di nagstart ng magsialisan
yung mga tao. Niyaya na rin ako ng mga kaibigan kong umuwi.
Siguro yun na din ang last time na makikita ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/105693-288-k292648.jpg)