Mr. Stranger [Chapter 4]

587 4 0
                                    

11:50 PM natapos yung prom namin. Pinauwi na kami kasi hanggang 12:00 lang kami dito sa hotel. Nasa labas na sila Mama hinihintay ako. Paglabas ko sa may door nakita ko ulit siya. Ngayon ako naman ang unang nag-approach. Hindi ko din alam kung bakit.

"Ui."

"Althea. Ikaw pala! Nakakagulat ka naman."

"Ganun ba? Hinihintay mo sundo mo?"

"Oo eh. Nauna kasi yung pinsan ko."

"Aaaahh. Sige una na ako."

"Ingat."

"Okay"

Umalis na ako. Ang bigat ng feeling ko nung umalis ako sa lugar sa tabi niya parang may nakalimutan akong gawin. Ang pangalan niya! Kailangan kong malaman ang name niya. Paglingon ko sa lugar kung saan ko siya iniwan.

Wala na siya. Badtrip.

"Haaayyy... Ingat din"

Noong nasa kotse na ako hindi ko mapigilan ang mag-isip. What ifs? Could have beens? Ayan ang tanga mo kasi eh. Lahat na lang ng gusto mo tinataboy mo! Actually, hindi naman...or siguro nga. Anyway, so what di ba? Wala namang may gustong makilala siya. Siguro yung isip ko lang. Erase! Erase! Erase! Makakalimutan ko din si mr. stranger! Isa lang itong chapter sa buhay ko!

Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon