Mr. Stranger [Chapter 3]

552 6 2
                                    

What the hell. Pinaglalaruan yata ata ako ng tadhana o sadyang fated lang  kami sa isa't-isa. Nandito ngayon si Mr. Stranger sa prom namin. Hindi naman namin kailangan ng extrang lalaki kasi co-ed naman yung school namin. Aaaahhh. Ngayon naalala ko na pwede nga palang magkaroon ng prom date from other schools. Bahala ka kung sino ang gusto mong  dalhin.

Hindi ko hinayaan na makita niya ako. Baka kasi kung ano pang isipin niya. Wait? Ilang buwan na rin naman ang lumipas kaya baka nakalimutan niya na ako.

"Althea?" akala ko pa naman nakalimutan niya na ako!

"Ahehehe. Ako nga."

"Ang ganda mo."

"Salamat. SIge, una na ako."

Pero bago pa ako makaalis hinawakan niya yung kamay ko.

"May I have this dance?"

"Patawa ka. Ang bilis nung kanta!" BOOM. Biglang may pinatugtog na slow dance. Naiinis na talaga ako sa sarili ko pero mas lalo dun sa DJ! Nag-smile lang siya tapos hi-lead ako papunta sa dance floor. Sabi ko pa naman mga close guy friends ko lang ang isasayaw ko pero nandito ako ngayon at kasayaw ang isang lalaking hindi ko naman kilala.

"Bakit ka nga pala nandito? May girlfriend ka ba na dito nag-aaral?" Ugh. Hindi naman ako ganun ka-curious kaya  lang syempre nagtataka pa rin ako kung bakit ko pa ba siya nakikita.

"Wala. Promdate ako nung pinsan ko na junior. Wala kasing  ka-date. HAHA!" Ang cute niya namang tumawa. After ng tanong ko wala na ulit nagsalita.

Natapos ang tugtog. Naghiwalay kami. Naglakad ako papalayo.

Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon