Dahline's POV
Nagising ako sa mahimbing na magkakatulog ko dahil pakiramdam ko ang ingay ingay!!!
"Manang Luisa okay lang po siya?!" Rinig kong tanong ni Themarie
"Oo iha. Ang sabi ng doktor mabuti nalang daw at naisugod agad sa ospital. Kung hindi ay baka ay kanina pa ito nawalan ng dugo" marihing sagot ni Manang Luisa.
"Sino daw ho ang nagdala kay Dahline sa ospital?" Themarie asked again.
"Hindi ko alam iha. Hindi ko pa natatanong sa doktor" sagot ni Manang
"But she's now okay right, Manang?" Boses naman iyon ni Harrielly
"Oo iha"
"Salamat po, Manang" -Themarie
"Maiwan ko muna kayo, tatawagan ko pa sina Dahlina" Saad ulit ni Manang Luisa.
"Okay po"
Akmang imumulat ko ang mga mata ko-- "PUTANGINA!!!" Napabalikwas ako ng bangon dahil biglang may kumurot ng tagiliran ko. Ampucha! Ang sakit.
"Puta naman!" Mura ko ulit at tiningnan ng masama si Themarie na ngayon ay nakapamaywang sa harapan ko
Tumaas ang isang kilay niya. "Alam mo bang pinag alala mo kami ha! Akala namin kong ano ng nangyari sayo! Mabuti nalang at may nakadala sayo agad sa ospital, kung wala baka tigok ka na ngayon!" Mataray na sabi niya.
I pouted. "Kasi naman eh! Bwesit yung dalawang baboy at dalawang pandak kagabi!--"
"Omg! You remember it!?" Sigaw ni Harrielly, na halatang nagulat.
Tinaas ko ang kamay ko at umarteng nagwawave. "Hello? Wala naman po akong amnesia para makalimutan ko!" Umayos ako ng higa. "Tsk! Pano ako toh makakatayo ng maayos? Ang sakit ng likod ko? Dinaanan ba ako ng kotse--"
"What the fuck!!" So ayun na po. Nagmura na si Miss. Vitally.
"DAHLINE SERYOSO KA??!!!" Sigaw naman ni Themarie
Umiling ako. "Hindi ko alam ang buong detalye" iyun nalang ang naisagot ko.
"I have to go" malamig na wika ni Themarie.
"Saan ka pupunta?" Takang tanong ko.
Pinakita niya sakin ang nakaoff na cellphone niya. "May pupuntahan pa ako" teka bakit biglang naging cold tong babaeng toh?
"Take care" wika ni Harrielly
Tumango naman si Themarie at tuluyan nang lumabas ng kwarto.
Naiwan naman kaming dalawa ni Harrielly na nakatulala.
BINABASA MO ANG
Attention Please!
RomanceChat Novel #2 Dahline Ysabeel Gamaz met Matteoxe Gabriel Polo because she always lost her wallet. Little did Dahline know, Matteoxe know and love her for a long time ago.