~Flashback~
Dahline's POV"Dahline Ysabeel Gamaz!"
"Ay animal!" Napasigaw ako bigla dahil nakarinig ako ng lalaking boses mula sa likuran ko.
Hindi ko maiwasan ang pagkabog ng malakas ng puso ko sa nakita ko. Hindi lang kasi sila lalaki... malalaking lalaki at meron ding dalawang hindi ko kilalang babae sa likuran nila.
Tumaas ang isang kilay ko. "Anong kelangan nyo sakin!?" Okay hindi ko sinasadyang maging mataray. Pero kasi kasalanan din niya, basta nalang kasi nanggugulat 😒
"Eto na pala ang malanding babae na tinutukoy ni boss!" Maangas na sabi nung isa sa mga lalaki.
Kinuyom ko ang mga kamao ko. Ang kapal ng bulbol ng mga hinayupak na toh para sabihan ako ng malandi. At sa fucking harap ko mismo! Ang sarap mangtuhudin!
"Sinong putanginang malandi! Huy ikaw baboy! Maka malandi ka sakin parang ang puting puti ng singit mo! Kung nandito kayo para gawan na naman ako ng masama. Pasensiya na! Wag ngayon, pagod ako! Next time nalang!" Saad ko at akmang tatalikuran sila nang biglang may bumato sa may ulo ko kaya agad iyong sumakit.
Tangina!
"Ikaw na babae ka! Ikaw ang may kasalanan kaya tumigil sa panliligaw si Matteoxe kay Aubrey! Tama naman ang sinabi ng baboy na toh eh! Malandi ka--!"
"Teka? Bakit ba pati ikaw tinatawag akong baboy! Palibhasa tumangkad kalang dahil sa taas ng sapatos mo eh! Ang totoo pandak ka!" Hindi ko sila pinansin at pinulot ang batong binato nila sa ulo ko.
Napatulala nalang ako ng makitang may bahid ng kaunting dugo iyun. Ang mga pota! Kinuyom ko muna ito at malakas na binato doon sa babaeng feeling matangkad
Ayun sapol sa dede niya. Tsk! Pandak na nga wala pang dede.
"Ikaw na pandak ka! Sino ka para batuhin ako ha! Akala mo ang angas angas pandak naman!" Malakas na sigaw ko.
"Tsk! Bugbugin nyo na yan para makauwi na tayo!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nung pandak kaya dali dali akong kumiripas tumakbo.
"HUYY BUMALIK KA DITO!!!"
Akmang tatawid ako sa isang kalsada ng biglang may masilaw na ilaw ang nasa gilid ko. Nanlamig ang buong katawan ko at natulos din sa kinatatayuan. Akmang ihahakbang ko ang mga paa ko,, pero huli na dahil kanina ko pa pala hindi nararamdaman na gumagalaw ang buong katawan ko...
BINABASA MO ANG
Attention Please!
RomanceChat Novel #2 Dahline Ysabeel Gamaz met Matteoxe Gabriel Polo because she always lost her wallet. Little did Dahline know, Matteoxe know and love her for a long time ago.