Chapter Two

155 3 0
                                    

#HealingTheDeepBruise Chapter Two

Kinabukasan, inaya ako ni Ate Milliene na sumama sa mall at palengke, bibili daw kasi ng groceries dito sa bahay dahil marami na kami, biglaan ang pagdating namin kahapon kaya hindi agad sila nakabili.

Gusto ko rin maglakad lakad kaya pumayag ako, si mama at lola, pupunta ng City Hall, may aasikasuhin daw.

Naka yellow sundress at white strap sandals ako habang nakababy blue na tank top at maong na shorts si Ate Milliene.

Maglalakad lang daw kami dahil malapit lang ang palengke dito, katapat na rin daw nun ang mall kaya hindi na kami mahihirapan.

"Bakit ikaw ung naggo-grocery, may mga kasambahay naman? Ang baho kaya dito, no offense." sabi ko habang naglalakad kami papasok ng palengke, hindi ako maarte pero ang baho talaga ng amoy.

Masama ang tingin ni Ate Milliene. "Huwag mong ipaparinig kay Lola yan, baka masampal niya bibig mo. Hindi naman araw-araw ang pamamalengke, tsaka, hindi naman mabaho, sanay ka lang sa amoy aircon." Sabi niya sa 'kin sabay hila sa braso ko, dahil hindi ko napansin na mabubunggo na ako sa banyera ng isda.

"Oh, my gosh! Muntik na yun ah." sabi ko, napailing naman si Ate Milliene.

Gulay, isda at prutas ang binili namin sa palengke, mas mura raw kasi dito kesa sa supermarket.

Parang gusto kong mag-sorry sa sinabi ko kanina na mababaho 'yong palengke dahil sa kinuwento ni Ate Milliene, aniya, ung mga nagtitinda dito halos hindi na raw matulog sa sobrang trabaho, babad sa trabaho, pagod at puyat sa pagtitinda, maswerte daw ako kasi hindi ko naranasan ang maghirap. 

Naibibigay lahat ng kailangan ko, sobra pa.

Samantalang sila daw, kung uunahin nila ang pagpapaganda at pagiging mabango, hindi sila makaka-kain.

Nakonsensya talaga ako, kaya nung paalis na kami, bigla na lang akong nag-sorry sa isang tindera na binilihan namin ng gulay.

"Anong grade ka na ba?" tanong niya.

"Grade 10. Ikaw?"

Tumawid kami sa kabilang kalsada, bitbit namin ang tig-dalawang supot ng pinamili, hindi naman marami, pang-isang lingo lang ito.

"Second year college, dito na ba kayo sa Isabela titira?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya.

 Matangkad si Ate Milliene, maliit ang mukha, matangos and maliit ang ilong, mahaba at maitim ang kanyang buhok na hanggang bewang.

Kamukha niya si Lola Mauria nung dalaga pa.

"Hindi ko alam eh. Pero gusto ko dito nalang, wala naman kaming babalikan sa Maynila." sabi ko, iniwan na namin sa baggage ang binili namin sa palengke.

"Pumili ka na ng kailangan niyong tatlo." sabi niya sabay tulak sakin sa mga aisle doon.

Naglagay lang ako ng toiletries and other essentials sa cart, naglagay din ako ng chocolates para kay Lorence para may pang-uto ako kapag meron akong iuutos.

"Okay na yan? Gusto mo nito?" si Ate Milliene na may hawak na korean face masks, at bang skincare products.

Mukhang magiging close kami ni Ate Milliene pag ganito ang usapan.

Naaliw ako sa pagtingin ng ibang products na nasa harap ko, hindi ko napansing may kausap na pala siya.

"Ah, Loureen, this is Dale, a friend." pakilala ni Ate Milliene sa lalake, sa tingin ko ay kaedad niya.

Ngumiti ako, ngumiti rin siya.

"Dale, this is Loureen, my cousin." sabi naman ni Ate Milliene kay Dale.
Nag-abot ng kamay si Dale at tinanggap ko 'yon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Healing The Deep Bruise (Hacienda Estrella Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon