Chapter One

2.5K 17 7
                                    

#HealingTheDeepBruise Chapter 1

Nakakasawa rin pala kapag paulit ulit na nangyayari.

Kahit pala gaano niyo kamahal ang isa't isa, darating kayo sa punto na magsasawa kayo, at may magloloko.

"Lumayas ka na dito! Doon ka na sa babae mo, huwag ka ng babalik!" sigaw ni mama kay papa.

Nakarinig ako ng kalabog.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto at nagbabalak ng lumabas.

 "Hinding hindi na talaga ako babalik dito sa impyernong bahay sa 'to!" rinig kong sigaw ni papa.

Ilang serye ng kalabog at pagkabasag ng gamit ang narinig ko. 

Gustong gusto ko ng lumabas, pero laging sinasabi ni mama na huwag kaming makikisali para hindi kami masaktan.

Hindi ko alam kung anong nangyari at umabot sa puntong ang dating nagmamahalan kong magulang ay nagkakasakitan na.

Ngayon maghihiwalay pa.  

Inayos ko ang kumot ng natutulog kong kapatid na si Lorence, walong taong gulang pa lamang siya, masyado pang bata para mamulat sa ganitong mga bagay. Mabuti na rin siguro at kahit anong ingay ay hindi siya nagising. 

Sandali ko pa siyang tinignan bago ako lumabas ng kwarto.

Naririnig ko pa rin ang away ni mama at papa sa sala, maraming nagkalat na damit sa sahig, mga gamit sa bahay na siguro'y napagbuntungan ng galit nila.

Nang makarating ako sa hagdan ay mas lumakas pa ang sigawan nila.

"Ang lakas ng loob mong magwaldas ng pera sa babae at bisyo mo pero sa sarili mong pamilya wala kang maibigay." bulyaw ni mama sa nag-eempakeng si papa.

Kitang kita ko ang luhang nag-uunahan sa mga mata niya, pero mas kita ko ung lungkot sa katotohanang dito na sila magtatapos. 

Baka hindi nila ako nakita kasi tuloy pa rin sa paghagis ng gamit si maam at agad naman itong nilalagay ni papa sa mga maleta niya.

Nakatayo lang ako habang pinanonood silang magtalo. Pero hindi ko napigilang humikbi ng ibato ni mama ung singsing kay papa. 

"Nangako ka sa'kin ng buong pamilya, pinaglaban kita sa magulang ko kahit na simula pa lang alam kong talo na 'ko sayo, kasi umasa pa rin akong magbabago ka. Ano, ngayon mas pipiliin mong makasama 'yong kabit mo kase sami ng mga anak mo? Napakawalang kwenta mo talaga!" sabi ni mama habang umiiyak.

Nasa hamba na ng pinto si papa, hila hila ang dalawang malaking maleta.

Hindi ko maipaliwanag ang itsura niya ngayon.

Parang gusto niyang tumigil sa pag-alis at makipag-ayos na kay mama kasi pwede pang pag-usapan, pero mas lamang ang kagustuhan niyang pumunta sa kabit niya at magpakalulong sa bisyo niya. 

Nahihirapan akong makita sila ng ganito, tuloy tuloy pa rin ako sa iyak dahil hindi ko alam ang gagawin ko, labinlimang taong gulang pa lang ako,  ano namang magagawa ko para mapag-ayos ang magulang ko. 

Healing The Deep Bruise (Hacienda Estrella Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon