Chapter 3: Kung Wala Ka

80 17 0
                                    

Natapos na ang lahat
Nandito pa rin ako

Matagal na akong gising. Hindi ako makatulog nang maayos kaya tinitigan ko lang ang dingding. Kanina pa ako nilulunod ng mga iniisip ko.

Bakit hindi niya magawang ipaglaban ang relasyon namin? Maiintindihan ko naman kung mababawasan ang oras namin para sa isa't isa eh. Hindi ko pa rin maintindihan kung paano niya nagawang bumitaw na lang. Mas naramdaman ko yung sakit nung nag-play yung isa sa mga kanta ng Nameless. Bad trip. He ruined the band and their songs for me.

Agad-agad akong nag-rant sa group chat namin nila Kino at Tina.

Chona
I can't listen to Nameless anymore
Dadalhin ako sa gig tapos makikipag-break sa akin?
Tama ba yON HAAAAA

Kino
I-song recs mo na yan!

Tina
Hahaha! Oo nga. Malay mo may bagong i-recommend sayo na banda para makalimot ka.

Chona
Ewan ko sa inyo

_____

Pumasok ako sa 7 a.m. class ko kahit hindi ako nakatulog dahil sa late night thoughts ko. I sneakily checked my phone just to double check kung may ginawa akong katangahan kagabi.

Phew. Hindi pa naman ako nagmemessage ng "I miss you" sa kanya kahit siya pa rin yung laman ng isip ko. I was supposed to put my phone away when I saw Tina posted something sa group na 'song recs without context.'

Tina Fuentes
song recs nga dyan para sa kaibigan ko. pwede ring band recs! 🤟🏽

Pambihira't pinost niya yung screenshot ng chat ko sa group chat! Agad kong tinago yung cellphone ko bago pa ako mahuli ni Ma'am.

Pagka-dismiss ni Ma'am agad ko siyang hinampas sa balikat. "Anong kalokohan 'yon, ha?"

"Aray naman, friend!" reklamo ni Tina.

Rinig kong tumatawa si Kino. "Panalo ako. Singkwenta ko," sabi ni Kino habang nakalahad ang palad niya. Naglabas ng singkwenta si Tina saka padabog niyang ibinigay yun kay Kino. Kita ko ring naaaliw si Mira sa nangyayari.

"Ano ba nangyari?" curious na tanong ni Mira, kaklase namin siya sa isang Gen Ed subject pero Nursing student talaga siya. Crush din ni Kino 'to. Ayaw lang umamin sa amin.

Pinakita ko sa kanya yung kalokohang ginawa ni Tina. "Uy, maganda 'to! G Minor!" pagsang-ayon ni Mira sa comment ni Alex Lagdameo.

Inagaw ko yung phone ko kay Mira. "Tama na nga yan! Kumain na tayo." Nakalimutan kong part din pala sila ng group kaya nakita pa rin nila yung mga comments. Kainis naman 'tong mga 'to.

Nang maka-order kami, agad namang pinakinggan nila Tina yung mga kantang nirecommend ng mga tao. Nag-send si Tina ng Spotify barcode para sa group session. "Hindi ka sasali?" nagtatakang tanong ni Tina.

Umiling ako. "Ayoko." Pinagpatuloy ko ang pagkain. Nilabas ko ang phone ko para mag-scroll sa social media apps ko.

Pinagpatuloy pa rin nila yung discussion nila tungkol sa mga kantang pinapakinggan nila ngayon.

"Classic! Grabe! Sana makapunta ako sa gig nila," sabi ni Mira.

"Pwede naman, kaso dapat gising ka dun ha?" pang-aasar ni Kino. Sinapak lang siya ni Mira.

"Uy uy! Halos same style 'to sa Nameless," komento ni Kino na sinang-ayonan naman ng dalawa.

"Ay iba yung sakit sa kantang 'to. Mapanakit!" sabi ni Tina na may paghawak pa sa dibdib. Napakaarte!

Na-curious ako sa mga sinasabi nila kaya sinearch ko na yung bandang sinabi ni Mira kanina, yung G Minor.

Indie band din sila. Actually dalawa lang sila, sina Jae at Gino. Both of them sing and play the guitar. Hindi na ako nagulat na magjowa sila. Nag-start daw sila sa mga open mic sa mga bar. Dating bumibirit si Jae, pero nag-shift siya sa acoustic pop nung naging duo sila ni Gino.

Surprisingly, their first single was not about love. Wala nga yata silang original song na tungkol sa love. Weird.

Mamaya ko na pakikinggan. Aasarin lang ako ng mga kaibigan ko kapag nahuli nila akong pinapakinggan ko yung mga song recs na nasa comments.

Pagkauwi ko sa unit ko, agad kong pinakinggan ang mga kanta ng G Minor. Melody palang nila, napakaganda na. Nung napakinggan ko yung lyrics, hindi ko alam pero bigla na lang ako naluha.

Huminto, pumikit, at huminga
Iiyak ang mga sakit na dinadama
Huminga, dumilat, at magsimula
Mayroong bukas at pag-asa ka pa

Oo na. Nagustuhan ko na yung nirecommend ni Alex Lagdameo. Binalikan ko yung post ni Tina saka hinanap yung comment niya. Nag-heart reaction ako sa comment niya bilang pasasalamat.

Gulat ako nang mag-wave siya sa akin sa Messenger. Luh?

👋 Alex Lagdameo waved at you!

Hala! Bakit siya nag-wave? Nakakahiya naman!

🙌 You and Alex waved at each other!

Alex Lagdameo
Hello! Ikaw ba yung brokenhearted friend na hindi magawang pakinggan ang Nameless ulit?

Chona Millanes
Hala nakakahiya. 😅 Oo, ako nga yun.

Alex Lagdameo
Kamusta? Napakinggan mo na ba band rec ko?

Chona Millanes
Oo, pinapakinggan ko ngayon. Naiyak ako agad.

Alex Lagdameo
Hala sorry! I didn't mean to make you cry.

Chona Millanes
No! It's actually a good song. I felt things. That's an indication of a good song, right?

Alex Lagdameo
Buti na-enjoy mo songs nila. Fave indie band ko yan kasi medyo chill lang yung vibes nila.

Chona Millanes
Thank you for the rec!

Alex Lagdameo
Sure. I'm glad I can help. 😊

_____

Hindi ko na nireplyan ulit. Wala na akong mareply eh. Patuloy kong pinakinggan ang iba pang kanta ng G Minor habang naghuhugas ng pinggan.

Okay na sana kaso tumuloy sa radio yung kanta kaya biglang nag-play yung isa sa mga kanta ng Nameless. Just like that, I'm back to zero.

Hatid Sundo (Karaoke Nights, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon