Chapter 6: Burnout

69 16 0
                                    

Kung iisipin mo, di naman dati ganito
Kay bilis kasi ng buhay pati tayo natangay
Oh, kay tagal din kitang minahal

"Are you ready?" Alex asked when I opened the door.

Napangiti ako sa pagsundo niya sa akin. Tinanguan ko siya saka ini-lock ang pinto ng unit ko.

"Nasabi na ba ni Kino saan natin sila kikitain?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.

Hindi muna kasi sasabay si Kino sa amin kasi susunduin niya rin si Mira sa bahay nila. Syempre, since kasama ko naman sa iisang building si Tina, sinabay na rin namin siya. Para naman mabawas-bawasan yung pagiging third wheel niya kina Pierre.

"Hindi nga ako third wheel kina Pierre, naging third wheel naman ako sa inyo," naaasar na sabi ni Tina pagkaupo niya sa backseat.

"Hayaan mo. Hanapan din kita sa song recs group. O baka gusto mo sa Bumble?" pang-aasar ko pa ulit sa kanya.

She dismissed my suggestions. "Ayoko ng music snobs. Baka sabihan pa ako na pangit yung music taste ko."

Tinawanan na lang namin si Tina sa sinabi niya.

Pagkarating namin sa campus ay agad naming hinanap sina Kino at Mira. Nauna pala sila dito sa field kaya may spot na kami agad. Unti-unti na rin napupuno yung field. Kahit na maaga pa, may mga naglalatag na agad ng mga mats nila para sa Concierto mamaya.

This Concierto is extra special for me because (1) Alex is my date, and (2) G Minor is going to play a set later. I saw that they posted their set list for later and they are going to play their song that I first listened. That song is very meaningful to me. That song helped me to see the light in those dark times. It helped me to have a little hope.

Last Concierto na namin 'to bilang estudyante. Kung ikukumpara mo kung paano kami nag-celebrate ng Concierto nung first year naming tatlo, sobrang ibang-iba. Hindi pa mapaghiwalay sina Tina at Pierre noon. Tapos si Kino, walang Concierto date. Boyfriend ko pa si Jerry nun. Ngayon, tila bumaliktad ang mundo. Iniiwasan ngayon ni Tina si Pierre. Si Kino naman, kasama na si Mira. At ngayon, si Alex na ang kasama ko.

Ang daming pwedeng mangyari sa apat na taon sa kolehiyo. Pero kung tutuusin parang napakabilis lang din ng apat na taon sa kolehiyo. Isang beses, iniiyakan mo pa yung unang bagsak mo sa buong buhay mo. Tapos sa susunod mong ma-realize na may bagsak ka ulit, gagraduate ka na pala.

Totoo pala yung sabi ng tatay ko sa akin. "Ang college years mo ang parehas na pinakamatagal at pinakamabilis na oras sa buong buhay mo." Nung una, hindi ko pa naintindihan eh. Iyon pala yung ibig niyang sabihin. Pinakamatagal para sa younger self mo at pinakamabilis para sa older self mo. Matagal kapag nahihirapan ka pero mabilis kapag masaya ka.

Kaya nung nahagilap ng paningin ko si Alex ay hinalikan ko siya na ikinagulat niya. Bakit ko pa hihintayin ang fireworks para ipadamang mahal ko siya? Bumibilis pa naman ang oras kapag masaya ako.

Nung humiwalay siya sa akin ay parehas na lang kaming napangiti. "Ano yun?" Nakangisi pa siya nang tanungin niya ako. Hay nako. Aasarin lang ako nito.

Tumawa na lang ako kasi nahihiya akong mag-explain ng thoughts ko. Sabi ko na lang, "ayoko nang hintayin yung fireworks eh." Mas lumawak ang ngiti niya sa sinabi ko. Luh, kinilig.

Iyan. Iyang mga pangiti-ngiti niya kapag kinikilig siya sa akin. Isa 'yan sa mga nagustuhan ko sa kanya. Hindi siya nahihiyang ipakitang kinikilig siya. Ang sarap tuloy niyang pakiligin. Bukod doon, ang dami pa niyang maliliit na quirks na nagustuhan ko sa kanya.

Kahit na mahal ko siya, marami rin siyang flaws. Unang una, music snob siya katulad ng sinabi ni Tina. Kapag may nakita siyang taong may hindi magandang music taste, wagas 'yan kung makapag-critique. Eh minsan pangit din yung music taste ko. Pati ako, hindi niya pinapaligtas sa critiquing niya!

Bukod dun, meron din siyang family issues. Madalas kasi siyang kinukumpara sa kapatid niyang panganay. Kesyo matalino daw yung kapatid niya, tapos nasa med school pa raw. Eh mataas ang pride nito. Ayaw magsabi sa pamilya na nasasaktan siya sa tuwing ikinukumpara siya.

Nabawasan din yung pagka-perfect niya para sa akin nung nalaman kong irregular student pala siya dahil nagkaroon siya ng bagsak sa isang subject dati. Pero kahit gaano pa siya ka-imperfect, mahal ko pa rin 'to. Ako rin naman, hindi perfect pero nakuha niya akong mahalin. Sino ba naman ako para hindi siya mahalin pabalik, hindi ba?

Ibang-iba man siya kay Jerry, nakuha ko pa rin naman siyang mahalin. Si Jerry kasi yung halos perfect mong jowa hanggang sa makipag-break siya sayo.

Walang pakialam si Jerry sa music taste ko. Basta kapag alam niyang maganda ang mensahe ng kanta, pakikinggan niya iyon. Minsan nga isinasayaw niya ako sa mga kantang medyo walang kwenta pero catchy yung melody ng kanta.

Mahal na mahal ni Jerry ang pamilya niya. Kahit namatay na ang tatay niya, nanatiling masayahin ang pamilya nila. Sila nga minsan yung takbuhan ko kapag nangungulila ako sa mga magulang ko. Kapag kasama ko kasi sila, pakiramdam ko hindi ako nag-iisa.

Matalino si Jerry. Naging iskolar pa nga siya sa program niya buong college life niya. At sa sobrang excellent niya, nagkaroon agad siya ng job offer sa Amerika kahit hindi pa naman talaga siya nagmamartsa. Kaya nga nakuha niya akong iwan eh.

Ganun talaga, ano? Kahit gaano pa ka-perfect yung tao sa paningin mo, meron at meron pa rin siyang flaw. Dapat na-foresee ko na pala 'yun! Ngayon ko lang na-realize na too good to be true pala yung relasyon naming dalawa.

Bago pa magsimulang dumami ang mga tao, nag-aya na agad si Alex na umihi. Mahihirapan lang kaming maghanapan kapag pinalipas pa namin yung oras eh.

Naalala ko tuloy si Jerry. Madalas siyang mag-ayang umihi. Kahit na sobrang tagal umusad ng mahabang pila sa CR ng mga babae, mas nauuna pa rin akong matapos kaysa sa kanya. Ewan ko rin sa kanya. Dinaig pa ako eh. Lagi ko pa siyang binibiro dati na baka hindi lang Number 1 ang ginagawa niya doon. "Hindi mo naman kailangang mahiya sa akin!" pagbibiro ko pa. Palagi niyang hindi pinapansin ang mga hirit ko sa kanya tuwing CR breaks namin.

Nang makarating kami sa CR ay nakita ko si Lili sa 'di kalayuan. Ibig bang sabihin nito nandito rin si Jerry. Mukha kasing may hinihintay siya dun sa CR eh. Mabilis akong pumasok sa CR bago pa niya ako makita. Binilisan ko ring umihi para hindi ko maabutan si Jerry paglabas.

Nang makapaghugas ako ng kamay ay agad na akong lumabas. Nagmamadali kong pinunas yung kamay ko gamit ang tissue pero mali pala ako ng strategy. Paglabas ko bumungad sa akin ang magkapatid na Jerry at Lili. "Ate Chona," tawag ni Lili sa akin. Doon palang napalingon sa akin si Jerry.

Matagal ko siyang pinagmasdan. Pumayat siya tapos mas naging maputi kumpara dati. Feeling ko nagpagupit siya pero hindi ko masyadong mahalata kasi nakasuot siya ng cap. Hindi ko rin matingnan nang maayos ang mga mata niya kasi nakasuot siya ng shades. Sabagay, mainit naman kasi talaga.

He was about to talk to me when Alex called my name. Thank God for this human being! "Chona, tara na!"

Kinawayan ko na lang si Lili bilang paalam pero hindi ko pinansin si Jerry. Agad kong pinuntahan si Alex bago pa ako tawagin ulit ni Lili, or worse, ni Jerry.

So tama nga yung hinala ko nung isang araw sa grocery. Nakabalik na si Jerry mula sa Amerika.

Hatid Sundo (Karaoke Nights, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon