Chapter 4: Paalam

70 17 1
                                    

Paalam sa naging pagmamahalan
Paalam sa mga pangakong naiwanan

Halos isang linggo na ng makilala ko si Alex. Pangalawang open mic night ko na 'to kasama siya. Inaya niya kasi ako sa isang open mic malapit sa campus nung isang araw. G naman ako.

Simula kasi nung nakipag-chat ako sa kanya, halos araw-araw ko na siyang kausap. Masaya naman siyang kausap. May substance naman mga sinasabi niya.

"Saan ka?" tanong ni Tina bago ako humiwalay sa kanya. Usually kasi sabay kami umuuwi kasi parehas lang naman kami ng building.

"Ah, may kikitain lang," dahilan ko sa kanya.

"Hintayin na kita." Nanlaki ang mata ko.

Umiling ako. "H'wag na. Baka matagalan ako dun eh."

"Samahan kita?" sabi ulit ni Tina. Alam mo, na-appreciate ko naman talaga yung mga paganito ni Tina eh. Minsan talaga ayaw niyang magpaawat eh.

"Nako, Tina," biglang singit ni Kino, "baka kikitain niya yung nag-rec ng kanta."

Kita kong tumawa si Mira sa tabi niya. "Ewan ko sa inyo!" sigaw ko habang naglalakad palayo sa kanila. Next time na mag-aaya si Alex, hindi na muna ako sasama. Bad trip.

_____

Pagkarating ko sa meeting place namin, hinanap ko kaagad si Alex. Nakita ko siyang kumakaway habang nakaupo na sa booth na nireserba niya. "Tapos na class mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Wow, friends agad?

"Half day lang yung sched ko ngayon eh. Tara, malapit na sila magsimula." Sa dalawang beses na nakasama ko si Alex, medyo marami na akong nakwento sa kanya.

Tinanong niya kasi ako bakit hindi ko na mapakinggan yung mga kanta ng Nameless. Ayun, napakwento ako. Nakwento ko nga rin kung paano ko sinagot si Jerry eh.

Habang pinapakinggan ang bagong single ng G Minor, hindi ko pa rin matanggal sa isip ko si Jerry. Hindi naman na Nameless pinakikinggan ko pero bakit naaalala ko pa rin siya? Hindi ko na rin naman siya kinakausap or inii-stalk sa social media. Bakit ginugulo niya pa rin ang utak ko?

Paano ba ako makakalimot?

Sabi ni Kino, "i-delete mo na yung number, conversations, at photos niyo sa phone mo."

"Pero sayang yung memories. Paboritong banda ko pa rin ang Nameless eh." Marami kasi kaming photos na galing sa gig ng Nameless. Isa pa, magaling na banda naman kasi talaga ang Nameless.

"Ganito na lang." Inabot niya yung hard drive sa akin. "Lahat ng memories niyo, ilagay mo dyan. Tapos ako na bahala magtago para sa'yo, para hindi mo laging binabalikan."

Syempre, hindi nagpaawat si Tina. "Alam mo, itapon mo na rin 'tong mga regalo't letters niya sayo. Hindi healthy 'to para sa'yo." She gathered every single piece of memory I had with Jerry in one place, as if preparing a dump file.

Pinigilan ko siya. "Sandali lang naman!" I held our first karaoke picture that was developed. Kuha ni Tina 'yon nung nag-e-experiment siya ng film cameras. First time niya bumili ng disposable camera n'on. "Oh, itatapon mo 'to? Mahal magpa-develop ng film. Sayang."

Nakapameywang na si Tina kasi wala siyang ma-rebutt kasi totoo naman yung sinabi ko. Pero hindi pa rin nagpaawat si Tina. "Fine. Hindi natin itatapon pero itatago na lang natin sa lugar na hindi mo makikita itong mga 'to." Pinagpatuloy niya ang pag-iipon ng mga bagay na binigay ni Jerry sa akin.

Kung saan man nila dinala yung hard drive at Jerry dump pile ko, hindi ko alam. Hindi nila sinabi sa akin para daw hindi ko na pilit balikan. Dalawa lang naman yung posibleng lugar na pagtataguan nila ng mga 'yon—either sa condo ni Kino o sa unit ni Tina.

Ginawa ko lahat nang 'yon pero nasa isip ko pa rin si Jerry. Ano pa bang kailangan kong gawin para makalimot, ha? "Paano ba ako makakalimot?" desperada ko nang tanong sa kawalan na narinig ni Alex kaya napatingin siya sa akin. "Sorry. Napalakas yata ako."

Inabot niya ang mga kamay ko, tila pinapaalam na maaari akong kumapit sa kanya. "May closure na ba kayo?" tanong niya. "Kung okay lang sayo pag-usapan, pero kung ayaw mo naman ayos lang din."

"Wala. Bigla na lang siyang umalis sa buhay ko. Ni hindi nga nagpaalam nung lumipad siya eh," kwento na may kasamang hinanakit. Hindi ko na idedeny na meron pa ring hinanakit dito sa puso ko. Pare-parehas lang kaming mapapagod kapag idedeny ko pa.

"Baka kailangan mong magpaalam sa kanya kahit na hindi siya nagpaalam sayo." Pinag-isipan kong mabuti yung sinabi niya. Madaya kasi! Hindi siya nagpaalam sa akin. Bakit naman ako magpapaalam sa kanya? Hindi ba mas deserve ko yung pagpapaalam niya? "Para sa peace of mind mo," patuloy niya.

"Eh paano ko naman gagawin 'yon? Naka-block na lahat ng accounts niya sa akin para hindi ko raw ma-contact si ugok. Isa pa, hindi ko rin naman na mate-text o matatawagan yun kasi nasa Amerika na nga 'yon," pagdadahilan ko kay Alex.

"Hindi mo naman kailangang i-send," sabat niya. "Gumawa ka lang ng way mo of saying goodbye for your own closure."

Buong gig ko pinag-isipan yung sinabi ni Alex. Pwede kasi eh. May sense naman yung sinabi niya. Pwedeng pwede kong gawin yun para sa ikatatahimik ng kalooban ko. Pagkatapos ng gig ay hinatid niya ako sa building ko. "Gumawa ka ng paalam playlist para sa kanya. Ibuhos mo doon lahat ng nararamdaman mo sa kanya. Ilagay mo lahat ng kantang makapagsasabi ng mga gusto mong sabihin sa kanya," sabi ni Alex sa akin pagkatapos naming maglakad nang tahimik papunta sa building ko. Wala man lang warning. Napakamot tuloy ako ng ulo kasi hindi ako ready sa suggestion niya.

Aalis na sana siya nang napatigil siya sa sinabi ko, "Alex, salamat."

Nilingon niya ako at saka ngumiti. Ay cute.

Hatid Sundo (Karaoke Nights, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon