Chapter 8: Bawat Daan

59 14 0
                                    

Kung ang puso ko ay imamapa
Ikaw ang dulo, gitna't simula

Matapos ang isang semester, tinupad naman ni Jerry ang huling pangako niya sa akin na hinding-hindi niya na kami guguluhin. Mapayapa kong natapos ang huling term ko. Dahil dyan, napag-usapan namin ni Alex na mag-celebrate together over lunch.

Dinala niya ako dun sa bagong café restaurant na may rooftop overlooking na malapit lang sa campus. "Grabe, Alex! Ang ganda dito!" I admired while I roamed my eyes around the scenery.

"I know! Mahangin pa!" dagdag pa niya. "Order na muna tayo tapos picture tayo dun," sabi niya saka niya itinuro yung overlooking site.

Mabilis akong nakakita ng gusto kong kainin kaya itinuro ko iyon agad sa kanya. "I'll have chicken parmesan and she'll have pesto lasagna," order niya sa waiter.

The waiter poured us water and red iced tea while we are waiting for our food. Bago makaalis ang waiter, nag-request siyang kuhanan niya kami ng picture. Tapos hinila pa niya ako dun sa may overlooking scenery para daw maganda yung background. Pagkatapos ng ilang shots ay kanya-kanya na kami ng kuha ng solo pictures.

"Anong balak mo pagka-graduate mo?" tanong niya sa akin habang naglalakad kaming magkaakbay pabalik sa mesa namin.

"Hmm. . . Baka mag-gap year muna ako bago maghanap ng trabaho. Napagod ako sa college eh," sagot ko sa kanya. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko sa college, gusto ko munang magpahinga bago sumabak sa panibagong trabaho. Paniguradong maisstress lang ako dun.

Sa gap year ko, gusto kong ikutin ang Pilipinas. Kung pwede lang isama si Alex ay gagawin ko kaso hindi pa naman siya tapos sa pag-aaral niya. Baka sina Tina at Kino na lang ang aayain ko sa susunod.

"Ikaw ba? May plano ka na ba for college pagka-graduate mo?" tanong ko pabalik sa kanya.

May kinuha siya sa bulsa niyang maliit na kulay red na box. Dahan-dahan niyang tinulak 'yon papunta sa akin. "Hoy?! Ano yan?!"

Sinubukan niyang ngumiti para ipakitang hindi siya kinakabahan. "I want to marry you someday, Chona. But I'll have to graduate first and look for a stable job—"

"Yes!!!" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya sa sobrang excited ko.

Natawa siya nung di ko siya pinatapos. Binuksan niya yung little red box and it showed a very simple ring. No giant diamonds and stuff. Just a very simple ring. "This is just a promise ring, love. Hindi pa ako sigurado kung kailan pero sigurado na akong ikaw na."

Hindi ko na napigilang maiyak sa kanya. "Hey. . . Why are you crying?" Inabot niya ang kamay ko para i-comfort ako.

"Ikaw kasi! Pinapaiyak mo ako!" paninisi ko sa kanya na tinawanan niya rin. Kaya natawa rin ako sa kanya habang naiiyak ako.

Sinuot niya sa daliri ko yung singsing and it just felt so surreal. Pagkatapos akong hiwalayan ni Jerry dati, akala ko hindi na ako makakapagpakasal. Akala ko wala nang magmamahal sa akin n'on kasi hindi ako worthy mahalin. Tapos ngayon... haaay!

Pagkatapos naming kumain, hinatid niya ako sa karaoke hub saka umuwi sa unit niya dahil may kailangan pa raw siyang tapusin na requirement.

Nung makarating ako sa karaoke hub, I chose to keep my mum about my new promise ring. I wanted to enjoy this between me and Alex first.

Sa sobrang saya ko, puro masasayang kanta lang yung mga kinakanta ko. Napakanta pa ako ng Pagtingin nga Ben&Ben para lang asarin si Kino.

Balita ko kasi hindi pa rin siya nakakaamin kay Mira. He's been meaning to pero lagi raw nauudlot. Ewan ko dito.

As usual, sinama niya ulit si Mira dito sa karaoke night namin. I kept on encouraging him to confess already but he was worried about Tina because of what happened to her.

Si Tina naman, sobrang tahimik. Walang ganang kumanta ngayon. Palibhasa tapos na siya magparinig kasi narinig naman na siya nung tao. Nung una, ayaw pa niyanh sumama eh. Pinilit pa nga namin 'tong sumama kanina kasi last karaoke night na namin bilang estudyante.

Sabi ko kay Kino, ako na muna bahala kay Tina. Asikasuhin niya muna yung pag-amin niya kay Mira dahil deserve niya rin maging masaya. Matagal na ring gusto ni Kino si Mira. Araw-araw pa nga niya pinupuntahan si Mira sa bahay nila para lang gisingin siya nang maaga. Nagtataka rin ako kung bakit hindi pa rin nakakaramdam 'tong si Mira sa feelings ni Kino eh halatang-halata naman sa amin ni Tina. Alam na namin agad bago pa ma-realize ni Kino eh.

Ganun talaga siguro, ano? Minsan hindi natin alam kung ano yung nararamdaman natin pero alam na agad ng ibang tao. Bakit kaya ganun? Bakit madalas nating i-deny yung nararamdaman natin lalo na kung ayaw natin itong maramdaman? Isa pa, mas lalo lang naman natin nararamdaman kapag nirerepress yung feelings 'di ba?

Pagkatapos nung huli kanta ko, paglingon ko kay Tina ay nasa harap na pala niya si Pierre. Ano ginagawa niya dito?

Hindi tulad ng dati, mag-isa siyang pumunta ngayon. Wala siyang Amy na kasama ngayon.

Pinuntahan ko si Tina para alalayan siya. Handa na akong ipagtabuyan si Pierre para sa kanya. Halos hindi rin nagsasalita si Tina ngayon eh. Halata naming wala siyang lakas ngayon.

Kaya ako na muna ang humarap kay Pierre. "Anong ginagawa mo dito?" Alam kong wala akong karapatang sabihin yun dahil ka-batch naman talaga namin si Pierre. May karapatan siyang sumama dito sa karaoke night namin.

"Gusto ko lang makausap ang best friend ko," halos pabulong niyang binanggit ang mga salitang "best friend" sa akin.

Naramdaman kong inabot ni Tina ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Hindi siya nagsalita pero alam kong handa na siyang harapin ang laban na dati na niyang hinaharap. Handa na siyang magpatalo. Dire-diretso lang siyang lumabas sa karaoke hub. Sumunod naman si Pierre sa kanya.

Naupo ako sa booth namin nang iwan ako ng mga kaibigan ko. Tinignan ko ang promise ring na binigay sa akin ni Alex. Hindi ko maiwasang ma-guilty sa kasiyahan ko dahil lang sa mga kaibigan ko. Gusto ko lang naman na maging masaya rin sila.

Tinititigan ko yung promise ring ko nang naramdaman kong may nag-vibrate sa bag ko. May tumatawag na pala sa akin.

Tinignan ko muna yung caller ID at nagulat ako nang makitang si Lili 'yon.

Kahit na nagdadalawang-isip ako ay sinagot ko ang tawag niya. "Hello, Lili?"

Pagkasagot ko sa tawag, narinig ko ang hikbi ni Lili. Bigla akong nabahala sa pag-iyak niya. "Ate Chona..." Patuloy pa rin ang pag-iyak niya kaya hindi niya natutuloy yung sasabihin niya.

"Lili, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Napahawak na lang ako sa bag ko kasi may masama akong pakiramdam sa pag-iyak niya.

Para bang alam ko na kung ano yung sasabihin niya pero kahit na sobra akong sinaktan ni Jerry ayoko pa ring maging tama yung hinala ko.

Kahit anong sakit ang maramdaman ko nang iwan niya ako, hindi ko pa rin maaalis na siya yung pinakaunang taong pinagbuhusan ko ng pagmamahal ko.

"Ate, na-ospital si Kuya Jerry."

Hatid Sundo (Karaoke Nights, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon