Annikka's p.o.v.
•Maaga akong nagising para makapagprepared ako sa summer job ko. Tuwang tuwa nga si mama nang malaman na may trabaho na ako, kaya nga lab ako ni mama eh. Pero para saakin masaya ako dahil may trabaho na ako. Hindi na masyadong magpapagod pa si mama sa pagtatrabaho para saamin. Di tulad ng kapatid ko na kain, tulog lang ang alam :3 prinsipe daw siya eh.
Nang makarating na ako sa bahay nang mga Benedict, syenpre nagdoorbell ako 'di pwedeng papasok na lang ako agad agad. Pinagbuksan naman ako ni manong guard eh. At after nun dumeretso ako sa office ni Mr. Benedict ."Nikka, ang aga mo naman ata". Sabi ni Mr. Benedict.
"Excited lang po kasi". Sabi ko.
"Nako, 'wag ka munang maexcited baka mawala agad yan sayo". Sabi ni Mr. Benedict.
•Naalala ko tuloy yung anak nilang monster kung makasungit wagas!Pinaupo muna ako saglit ni Mr. Benedict at umalis muna siya saglit para tawagin ang asawa niya. Hanga din ako sakaniya, kahit ilang sungit sakaniya nung Dylan na yon wala siyang pakeelam dahil ang importante nakakapagtrabaho siya nang maayos para lang dito. Eh bakit kaya masungit yung anak nila? Anyare?
"Oh ang aga mo?" Sabi ni Tita. (Yung mama ni Dylan)
"Excited nga lang po" sabi ko.
"Its good, para maaga na kayo makapag simula. Tara na sa kuwarto ni Dylan?" Sabi niya.
•At sumang ayon naman ako.
"Tara na po ^^ " . Sabi ko.
"Nako, yang lalaki talagang yan. Ang hirap talaga niyang pakiusapan na maglinis ng kuwarto niya."sabi ni Mrs. Benedict.
• Ang bumungad kasi samin dito pagkapasok namin sa kuwarto ng anak niya ay kalat. Para siyang may party kagabi dito sa bahay nila. Daming nakakalat na damit daming pinagkainan ng chichirya. At... Beer? Umiinom na siya ng beer? 17 lang din siya tulad ko tapos imiinom na agad siya? Hays, yan ang mahirap 'pag mayaman noh.
"Pasensya na sayo ah. Dun na lang muna kayo sa library namin magaral."sabi niya.
"Ah. Sige po." Sang ayon ko.
"Punta ka muna 'don sa library. Hahanapin ko lang yung anak ko at papalinisan na ron 'tong kuwarto sa mga katulong." Sabi niya.
"Ok po." Sabi ko.
•Mabuti pinasyal na nila ako kahapon dito sa bahay nilang MALAKI, at ang mabuti alam ko pa kung asan ang library nila dito. Hays, umupo ako don sa isang upuan sa library nagunat nang konti.Tumayo ako at pumunta sa bookshelf nila. Tinignan ko yung books nila at magazines..... k-pop magazines?! Wah!!!!
.. .... si. .... YOON SHI YOON KO!!!!
Natigil ang pagdadrama ko nang marinig kong bumukas yung pinto ng library. Si Dylan pala ang pumasok."Na gforce ka diyan. ' wag kang tumulala sakin. Baka matunaw ako."sabi niya sabay upo sa harap kung san ako umupo kanina. Yabang ah... feeler naman. Sumunod na lang ako sakabiya at umupo na rin kung san ako umupo kanina.
"Can you introduce your self?" Sabi ko.
"Diba kilala mo na ako? Bat kailangan ko pang nagpakilala?" Sabi ni Dylan.
•Putang ina naman yan oh. Ano ba gusto nito? Away o gulo?
"Hindi pa sapat kung first name lang ang alam ko about sayo. Kung ihahambing ako sa teacher kailangan ko munang malaman ang paguugali at about ng estudyante ko."sabi ko.
BINABASA MO ANG
My Ms. Tutor
RandomSa mga readers po nitong story ko , isa ko lamang itong imagine. Kung may mga mali pong type , sentences, expression, etc. pakiintindi na lng po dahil mahirap din pong magtype. ^_^v peace! Sana mapaunlakan ninyo ito! -WRITER