21

623 13 0
                                    

02/26/20

7:15 PM

Yam: Kakauwi ko lang

Yam: Tinapos kasi namin 'yong culminating activity namin kanina. Tapos nagpaprint pa kami pagkatapos. Ubos tuloy ipon ko :-(

Yam: Nag-open ka pala kagabi

Yam: Sorry, Akala ko kasi 'di na

Seen

Yam: Galit ka parin ba?

Seen

Yam: :-(

Seen

Yam: Sige, Hindi nalang ako magtatanong ulit.

Yam: Nahulog ako sa hagdan.

Seen

7:36 pm

Grey Cloud: idiot!

Yam: 😳

Seen

7:41pm

Grey Cloud: Wag ka mo nang kiligin d'yan. Tuloy mo 'yong sinasabi mo.

Grey Cloud: Bakit ka nahulog ng hagdan?

Seen

7:44 PM

Yam: Wait, Hindi ko talaga mapigilan

Seen

7:48

Yam: Sandali nalang talaga

Seen

8:03

Grey Cloud: Sige, out na ako

Yam: Wait! Grey Cloud!

Yam: Ito na.

Seen

Yam: Naalala mo 'yong message ko sa'yo na umakyat ako ng bubong nila lola?

Seen

Yam: Hindi ako nahulog sa bubong, pero nalalag naman ako ng hagdan sa mismong araw din na 'yon hehehehe.

Yam: Paulit-ulit ko kasing binasa 'yong convo natin. Hindi parin kasi ako makapaniwala.

Yam: Sa sobrang pagbabasa ko nga hindi ko na napansin na hagdan pala 'yong bababaan ko. Kaya ito nakasimento braso ko ngayon. Nabasag pa cellphone ko.

Yam: Ilang araw akong hindi nakapag-open ng dahil do'n, kaya hindi ko rin nabasa at na reply-an agad messages mo. Hindi rin kasi ako pinayagan ni mama, na gumamit ng cellphone sa ilang araw.

Yam: About naman sa last message ko sa'yo. 'Yong sinabi kong boy bestfriend ko si Kade? Nakatulog na kasi no'n si mama, kaya na chat pa kita no'n. Hindi ko namang akalaing magrereply ka pala.

Seen, 8:19 pm

8:20 pm

Grey Cloud: Sinong kasama mong pauwi kanina?

Yam: Hala!? curious ka?

Grey Cloud: Just tell me. Gusto ko nang matulog.

Yam: Wag mo na. Gusto pa kitang maka-usap habang nasa mood ka pa. Bukas kasi baka i-seen mo nalang ulit ako.

Grey Cloud: Sinong kasama mong pauwi kanina?!

Yam: Hinatid ako pauwi ni Kade kanina, bakit?

Yam: Nga pala Grey Cloud, hindi ka na ba galit sa 'kin ngayon?

Grey Cloud: Galit pa rin.

Yam: Hala weh?

Yam: Bakit?

Yam: Grey Cloud?

Grey Cloud active 1 minute ago

Yam: Ano ba 'yan :-(

Fucking Messages (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon