03/13/20
10:11 am
Grey Cloud: Tsk. Nahalikan kalang nag-english kana
10:32 am
Yam: Wooooy!!
Yam: Hindi ganun 'yon!
10:33 am
Grey Cloud: Tsk!
Yam: Uy, nagseselos s'ya
Yam: Yiiiiieeeee! para sakin
10:36 am
Grey Cloud: Tsk! Kala mo talaga
Yam: Your sounds like a jealous boyfriend
Yam: Bagay sa'yo
Yam: Pero mas bagay tayo
Yam: Kikiligin na 'yan
Grey Cloud: Asa.
Grey Cloud: Mukhang mas kinilig ka pa sa sarili mong banat
Yam: 😘
Grey Cloud: Ganyan pala epekto ng halik sayo ng asungot na 'yon
10:42 am
Yam: Nakakalimutan ko nga binabalik mo pa, bakit kaya? 🤔
Grey Cloud: Hindi naman kaya namaga nguso mo?
Yam: 'Di naman
Yam: Iniisip ko na talagang nagseselos ka
Grey Cloud: Bala ka na sa gusto mong isipin
Grey Cloud active 1 minute ago
Yam: Hala! bakit mo ako iniwan agad?
Yam: May nagawa ba akong mali?
Yam: hindi ka na ba masaya sakin?
Yam: Grey Cloud bumalik ka!
10:48 am
Grey Cloud: Wala ka bang pasok?
Yam: Thanks god, bumalik ka para sa'kin
Grey Cloud active 1 minute ago
Yam: 😒
Yam: Nasa may babang hagdan kami ng school ngayon nakatambay
Yam: Nanghiram ulit ako cp kaso kay Kade naman ngayon, dahil ang damot na ni Noah, at ayaw nya na akong pahiramin
Yam: Baka ihagis ko na naman daw
Yam: Hindi ko naman kasalanan 'yon eh, kasalanan 'yon ng animal na si Lawrence na nasa tabi ko ngayon
10:53 am
Grey Cloud: Gusto mo naman?
Yam: Malamang hindi!
Grey Cloud: Palayuin mo 'yan sayo! Or else!
Yam: Or else what?
Grey Cloud active 1 minute ago
Yam: Hysst! Hindi na talaga kita maintindihan
10:56 am
Yam: Maaga kaming pinauwi ngayon, dahil wala namang masyadong ginagawa roon sa room at pare-pareho lang kami na nagtititigan
Yam: Malapit na rin kasi ang end of school year, at mag gra-graduation na
Yam: At ang mga classmates ko may sariling mga desisyon sa buhay
BINABASA MO ANG
Fucking Messages (Epistolary)
RomanceHe doesn't want to chat her back His hobby is just to seen her He was so annoyed and very pissed at the same time And It's only because of her over flooded fucking messages
