27

487 14 0
                                    

03/03/19

4:06 pm

Yam: Hi, Grey Cloud

Yam: Kagigising ko lang ulit

Yam: At Oo, palagi talaga akong natutulog tuwing tanghali

Yam: Ganito katindi ang pangangalangan ko sa height heheheh

Yam: Nga pala may 8 schools na pumunta sa school namin para i-promote 'yong school nila

Yam: Magulo ba?

Yam: Hindi mo ba naintindihan? Kasi pati sarili ko hindi ko narin naiintindihan, Hahahah

Yam: Basta pumunta nalang sila do'n para mag-promote ng university for up coming college students gaya namin. Gano'n.

Seen

Yam: Ay, Grey Cloud, may isa palang promoters dun na ang gwapo-gwapo

Yam: Ang lalandi nga ng mga kaklase kong babae ei, talagang nagsipulbuhan, liptint, at pabango pa sila pag-pasok ni kuya

Seen

Yam: Jack 'ata name nya, from school na nakalimutan ko na.

Yam: Hindi na ako sure. 'Di ko na rin kasi talaga maalala hehehehhe

Yam: At sempre dahil medyo malandi rin ako, ayon!

Yam: Sinubukan ko magpa-cute sakanya. Kaya binatukan ako ni Kade, at pinukol naman ng papel ng kaklase kong si Lawrence.

Seen

Yam: Ang epal ng dalawang 'yon! Kakainis! lalo na si Lawrence. Kaya hindi talaga kami magkasundo ng animal na 'yon!

Yam: Pero Grey Cloud, kinilig ako kanina.

Yam: Sa dami-dami kasing cute na girls sa loob room pero ako lang napansin ni kuya Jack. Sinabi n'ya pang kapag dun daw ako nag-aral sa school nila, libre na raw at wala na akong tuition na babayaran dahil maganda raw ako hehehehe. Siya nalang daw bahala sa lahat.

Yam: Doon nalang 'ata ako mag-aaral sa school nila hahahahaha

Yam: Hanggang ngayon kinilig pa rin ako kapag naaalala ko

Seen

Grey Cloud is typing...

Grey Cloud is typing...

Yam: Pero mas kinikilig akong nakikitang nag-tytype ka na

Grey Cloud is typing...

4:28 pm

Grey Cloud: At talagang naniwala ka naman? Tss!

Seen

Yam: after so many years waiting for your reply 'yan lang ang sasabihin mo?!?!?!?!?

Grey Cloud active 1 minute ago

Yam: Sarap naman nitong kausap

Fucking Messages (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon