30

484 18 4
                                    

03/06/20

7:05 pm

Yam: May ikwekwento ulit ako, kahit alam ko namang hindi ka interesado

Yam: Pero bago ang lahat, kumain kana ba?

Seen

Yam: Anong ulam mo?

Yam:Kami kasi pritong manok

Yam: Pinabi lang ako ni mama d'yan sa may labasan. Sa may kanto.

Seen

Yam: Ang sarap nga eh, ang dami kong nakain, kahit na dahil sa sobra katangahan ko tumalsik 'yong manok sa loob ng plastic at nalalag sa batohan.

Yam: Natalisod kasi ako Hahahaha!

Seen

Yam: Pero ang galing 'no? Prito na 'yong manok nakakalipad pa hahahahaha

Seen

Yam: Hindi ko na sinabi kay mama, dahil alam kong papagalitan n'ya lang ako

Seen

Yam: Ito na pala 'yong kwento ko

Yam: Chinat na naman ako ni kuya Jack

Seen

Grey Cloud: Stop chatting me.

Yam: Sinabi nya sakin na kapatid n'ya pala si Lawrence

Yam: Nagulat nga ako eh, share ko lang ulit kahit wala ka naman talagang pake

Yam: Pero mas nagulat ako nang sabihin nyang may gusto pala sakin si Lawrence .

Grey Cloud: Stop sending a fucking messages.

Yam: Na matagal nya na pala akong kilala dahil sa animal na 'yon

Yam: Naisip ko tuloy na paano mangyayari 'yon?

Grey Cloud: Stop it!

Yam: Eh, mukhang ayaw n'ya naman talaga sa'kin

Grey Cloud: Sabi ko tumigil kana! Dahil sobrang nakakairita na!

Yam: Pero bigla akong tinanong ni kuya Jack, kong may pag-asa pa raw s'ya sa'kin

Grey Cloud: You always ruined my day!

Yam: Sinabi ko 'yong totoo

Grey Cloud: Hindi ka ba nagsasawa? Kasi ako sawang-sawa na!

Yam: Sinabi kong meron

Grey Cloud: Tangina! Sinabi kong tumigil kana!

Yam: Pero, hintayin n'ya munang mapagod ako

Yam: Mapagod sa taong gusto ko

Yam: Mapagod sa'yo

Seen

11:24 pm

Yam: Have a nice grey cloud na wala ako

Yam: Sleep well na hindi ko magagawa ngayong gabi

Yam: Sana hindi mo na kita mapanaginipan

Seen, 12:48 pm

Fucking Messages (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon