Chapter Eighteen

0 0 0
                                    

Ann’s POV

Parang ang tahimik sa kabila… or soundproof mga rooms dito?

Ann: Sejun…

Nakahiga lang si Sejun sa sofa habang ako nag aayos ng gamit ko…

Sejun: ano…

Ann: akala ko tulog ka na…

Sejun: di ako makatulog

Ann: parang ang tahimik nila sa kabila.

Sejun: hayaan mo sila.

Ang weird… ang weird ng aura sa kwarto na to.
Isang kama lang talaga dito pero kingbed size. At may sofa. Bitin yun kahit sa katawan ko.

Ann: matutulog ka na ba?

Sejun: bakit?

Ann: wala… dito ka na sa kama.

Sejun: okay nako dito.

Ann: di uso gentleman ngayon. Dito ka na.

Saka ako tumayo at kinuha ang tuwalya saka dumeretso ng banyo.

Sejun: maliligo ka?

Ann: oo bakit? Angal ka?

Sejun: sa wakas maliligo ka din.

Ann: hoy araw araw ako naliligo!

Sejun: hmm…

Sumunod din siya sakin na naligo bago namin naisipan na puntahan ang boys para mag dinner…

Unang katok. Walang nagbukas.

Nagtinginan kami ni Sejun

Pangalawa. Wala pa din.
Si Sejun napabuntong hininga nalang,.
Siya na ang kumatok -- Masakit yun.
Ang lakas!
Maya maya pa dahan dahan bumukas ang pinto, si Justin.

Justin: oh bakit?

Sejun: bakit? Natulog kayo?

Justin: aga mo naman…  madilim pa oh…

Antok na antok pa ito saka parang bata na kumukusot ng mata…

Sejun: look at the time.

Saka hinarap ni Sejun ang screen ng phone ko.

Si Justin nanlaki ang mata … anong iras natulog mga to?

It’s 7:00 pm. Jusko. Ano pa itutulog pa ng mga to?

Sejun: gisingin mo na sila kakain na tayo.

Ngumiti si Jah saka tumingin sakin,

Justin: yes ma’am!

Muhkang nawiwili siya sa nangyayari…

When Soul Switch Happen -Unexpectedly- [COMPLETE]Where stories live. Discover now