"Ano ang iyong sinasabi Gabriel?! Hindi mo pwede talikuran ang posisyon mo bilang gobernadorcillo!"
Gabi na ngunit rinig na rinig sa buong mansyon ang ingay ng pagtatalo ng mag-ama patungkol sa magiging bagong tagapamahala ng bayan ng San Sebastian
"Pero Ama hindi ito ang aking nais!" Pag p-protesta ng binata
"Ngunit kailangan! Makakatulong rin sayo ito balang araw, walang iba ang magmamana ng aking posisyon kundi ikaw lamang!"
"Kung ganon ibigay sa iba ang posisyon! Mamuhay tayo ng payapa sa ibang lugar! Di ko nais masangkot sa magulong mundo ng politika" pag mamatigas ng binata ngunit isang malakas na sampal ang kanyang natanggap mula sa ama na nagpa tahimik sa kaniya. Di niya akalain na magagawa iyon ng kanyang ama
"Hindi mo lubos naiintindihan ang iyong sinasabi! Yan ba ang natutunan mo sa pag aaral mo sa pag guhit?! Ang mag rebelde sa iyong pamilya?! Wala kang utang na loob!" Dadapo na sana muli ang mabigat nitong kamay sa mukha ng anak ngunit pinigilan ito ng kaniyang asawa
"Pakiusap, tumigil na kayo" pag mamakaawa sa asawa habang yakap yakap ito upang pigilan ang pananakit sa anak
Humingang malalim ang matanda at lumapit sa anak na nakayuko pa rin mula sa pagkakasampal, hinawakan nito ang magkabilang balikat at hinarap saka tinignan sa mata
"Tu eres un Salvador, Tu eres un Gabriel Angeles Salvador" (you are a Salvador, You are Gabriel Angeles Salvador) wika ng ama "Ito ang iyong tadhana, balang araw malalaman mo rin ang kahalagahan mo sa bayang ito" dagdag pa nito. Umalis na ang ama sa silid sumunod naman ang asawa nito at iniwan lamang na tulala ang anak
Walang ibang nagawa ang binata kundi ang lumuhod sa sahig tila bumigay na ang mga binti nito. Ibinuhos na lamang ng binata sa iyak ang kaniyang bigat na nararamdaman sapagkat wala na siyang pag-asa upang mamuhay na naayon sa kaniyang nais
"Kamusta ang unang semestre iha?" Tanong ng Ina ng dalaga habang patuloy ito sa pag kain.
Kasalukuyan magkakasama ang buong pamilya na tahimik na kumakain sa hapag ng kanilang hapunan, tila napakalamig ng paligid at ang mga pag galaw lamang ng mga kutsara, tinidor at ang kaluskos nito sa plato ang tangi lamang naririnig.
"Ok naman po mama" Tipid na sagot ng dalaga habang patuloy din ito sa pag kain
"Mabuti naman, kailangan mong mag seryoso, isipin mo yung mataas mong tuition. Mas lalo ka pang magpursiging mag-aral dahil di biro ang maging isang doktor. Bigyan mo sana kami ng papa mo ng magandang marka" sagot ng kanyang ina, na lagi nitong pinapaalala na maging seryoso sa mga bagay-bagay.
napabuntong hininga na lamang ang dalaga dahil sa nais niyang ilabas ang bigat ng kanyang nararamdaman. Tila gusto na nitong magpahinga dahil sa pisikal, mental, at emosyonal na pagod na kanyang nararamdaman.
Kilala ang kanilang pamilya bilang isang tanyag na mga doktor, ang Ina niya ay isang cardiologist o doktor sa puso at ang kanyang Ama naman ay isang doktor sa bato o Nephrologists. Mataas ang expectation ng kanyang mga magulang niya sa kanya, bukod sa ang dalaga ang panganay, ninais ng kanyang Ina na kumuha ito ng kursong medisina dahil sa pagkagusto nitong panatilihin ang linya ng mga doktor sa kanilang pamilya. Ang nag iisang kapatid na lalaki naman nito ay nasa ika-pitong baitang pa lamang kung kaya't hindi pa ito ganun ka kontrolado ng kanyang Ina, ngunit alam ng pamilya na kursong medisina din and nais ng kanyang Ina na kunin ng kanyang bunsong kapatid pag tumungtong na ito sa kolehiyo.
BINABASA MO ANG
Sinag
Historical Fiction"Kadiliman man ang bumabalot sa ating buhay, pilit pa rin tayong naghahanap ng liwanag na mag bibigay sa atin ng bagong pag-asa" Isang dalaga ang napapalibutan ng mga mahihiwagang bagay at pilit humahabol sa kaniya. Dala ng kaniyang kuryiosidad, sin...