Tanghali na nang makarating ako sa bayan ng San Angeles. Bumaba ako sa sinakyan kong taxi at nakita ko kaagad ang simpleng bahay ng aking lola. Lalong gumanda ang hardin nito sa harap dahil sa dami ng mga namukadkad na bumalaklak na may iba't ibang kulay
"Esang, apo!" Pagtawag ng aking lola sa palayaw ko, agad niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap na agad ko ring sinuklian
Napakasarap sa pakiramdam na alam mong may karamay ka. Isa ang lola ko sa nakakausap ko ng magaan na wala akong kailangan itago o hindi sabihin, kasi lagi niya ako naiintindihan at mahinahon niya akong pinapangaralan. Lagi niya rin kami bine-baby ni Inigo kahit di na kami ganun ka bata kagaya dati. Bakit kaya ganun ang mga lola no
"Kumusta naman ang kalagayan niyo lola?" Pangangamusta ko nang maghiwalay kami mula sa pagkayakap
"Eto malakas pa rin" wika nito sabay postura na nagpapakitang kaya pa nitong kumilos at malakas pa ito. Natawa naman ako si ginawa nito, napakamasayahin talaga ng lola ko kahit may mga rayuma na pero nagagawa pa rin nito ang iba't ibang klase ng gawaing bahay
"Ikaw esang kamusta ang apo ko? Ang bilis ng panahon, lalo kang gumanda apo" aniya sabay hawak sa magkabila kong pisngi
Aaminin kong hindi ako ganun kaganda pero di din naman ako pangit. Hindi ako mestiza o maitim. Tama lang ang kulay ng aking balat, meron akong mahabang buhok na may pagkakulay kayumanggi, natural na buhok ko na iyon kaya pag tumatama ang sinag ng araw sa aking buhok, halos nagiging purong kayumanggi na ito, hindi ito diretsong diretso, may pag ka wavy ang buhok ko. Tama lang ang aking pangangatawan, bilugan ang aking mata at di rin ganun ka tangos ang ilong ko pero di naman ako pango. Manipis lang ang labi ko na may natural na kulay rosas. Sa pinaikli, nasa tamang kalagayan naman mukha ko
"Naku si lola nambola pa, maayos lang po ako" napansin naman nito ang bukol ko sa gilid ng aking noo
"Napano iyan?" Tanong nito
Napakamot naman ako sa aking ulo nang maalala ko ang aking katangahan
"Wala iyan lola, nauntog lang ako, pero ok lang po ako" nakita ko naman na nawala ang pag aalala nito at binigyan ako ng matamis na ngiti
Maagang akong nagising kanina dahil hindi ko natapos yung pag aayos ko kagabi dahil nawalan ako ng malay o baka nakatulog lang ata ako nun o nanaginip ng kung ano. Baka nasa panaginip ko lang yung kwago na nakita ko.
"Halika, pumasok na tayo. Inayos ko na ang kwarto mo. Pinaluto ko rin ang paborito mong adobo" natuwa naman ako sa sinabi nito. Nagiging ulyanin man ang mga matatanda pero ang paboritong ulam ko di niya nakakalimutan
"Dabest ka talaga" wika ko sabay yakap ng mahigpit sa kanya na agad niyang sinuklian
Ang lola ko ay nanay ng papa ko. Pareho sila ng ugali kaya magaan ang loob ko sa kanila. Hindi ko nararamdaman sa kanila na pinaghihigpitan nila ako
Pagkapasok namin ng tahanan, ang mga antik ng aking lola na lubos nitong inalagaan ang bumungad sa amin. Ang iba ay maayos na nakapatong sa mga kabinet, sa gilid ng TV, yung iba naman nakasabit sa dingding
"Ang gaganda pa rin ng mga antik mo lola, parang di naalikabukan" aking wika habang nililibot ko ang aking paningin mula pagkapasok namin ng bahay. Mapupukaw talaga ang atensyon na kahit sinong pumasok dito dahil sa mga antik ni lola
"Alam mo naman ang mga matatanda, mahilig magtabi ng kung ano ano" tawa ng aking lola. Nauna na itong pumunta sa hapag para tumulong sa paghain ng kakainin namin ngayong tanghali at iniwan akong mangha pa rin sa mga antik nito
Habang nililibot ko ang aking paningin, napansin ko ang baro't saya na naka display sa gilid. Nakalagay ito sa lalagyan na gawa sa salamin upang hindi ito basta mahawakan kagaya ng mga makikita sa mga museo. Lumapit ako rito para makita ng malapitan ang baro't saya
BINABASA MO ANG
Sinag
Historical Fiction"Kadiliman man ang bumabalot sa ating buhay, pilit pa rin tayong naghahanap ng liwanag na mag bibigay sa atin ng bagong pag-asa" Isang dalaga ang napapalibutan ng mga mahihiwagang bagay at pilit humahabol sa kaniya. Dala ng kaniyang kuryiosidad, sin...