Nakaramdam ako ng pagtulo ng tubig sa aking mukha na nagpagising sa aking diwa. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at pinagmasdan ang paligid. Napansin kong may maliit na butas sa itaas kaya't may pumapasok na tubig na tumutulo dito sa loob. Baro't saya ang aking suot at napansin kong may iilang galos ako sa aking braso at ganun din sa binti nang tignan ko ito. Pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa banig at doon ko naramdaman ang pagkirot ng aking ulo. Napahawak ako rito dahil sa sakit na aking naramdaman
Anong nangyari?
Inilibot ko ang aking mata sa lugar kung nasaan ako, nasa maliit na bahay-kubo ako na walang mga gamit, walang lamesa, upuan o kahit na ano, maliban sa banig na aking hinihigan. Madilim ang paligid, nakasara ang mga pinto at bintana, ngunit nagagawa ko pa ring makita ang paligid ko dahil sa mga butas butas sa itaas ng bubong na gawa sa nipa kung saan tumatagos ang sinag ng araw. May narinig akong mga taong nagsasalita sa labas. Gumapang ako ng kaonti para marating ang bintana sa aking harap. Binuksan ko ito at pumasok ang liwanag
Napamangha ako sa nakita. Isang malawak na palayan ang bumungad sakin. Maraming magsasaka ang mga nagtatanim na nakasuot ng kani-kanilang balanggot , may iba naman na nag aararo kasama ang kanilang mga kalabaw, ang mga kababaihan sa gilid naman ay nagtatanggal ng mga butil ng palay. Malinis ang kalangitan, kitang kita ang haring araw. Tila napakapayapa sa lugar na ito, para itong paraiso
Ako ay manghang-mangha sa paligid, nang biglang bumukas ang pinto at pumasok rito ang isang babae na nakasuot ng baro't saya. Nakatali ang mahaba nitong buhok, at litaw na litaw ang kulay nitong kayumanggi. May dala itong tubig sa palanggana at isang tela
"Gising ka na pala binibini, kumusta ang iyong pakiramdam?" Pangangamusta nito
Habang pinagmamasdan ko ang kaniyang presensya, bigla kong naramdaman ang pag kirot ng aking ulo kung kaya't napahawak ako sa bintana upang mapanatili ang aking balanse. Agad namang inilapag ng babae ang kaniyang dala at agad akong nilapitan upang alalayan maupo sa banig
"Ayos ka lang ba binibini, mukhang kailangan mo pa magpahinga" kita ko naman sa mukha nito ang labis na pag aalala
"Nasaan ako?" Unang tanong na lumabas sa aking bibig nang ako ay mahimasmasan. Wala akong ideya kung bakit ako napadpad sa lugar na ito
"Nasa palayan ka po binibini na pagmamay-ari ng mga Salvador. Malapit lamang po ito sa Bayan ng San Sebastian. Natagpuan ka po ng aking ipo sa palayan kaninang madaling araw na walang malay kung kaya't dinala ka po niya rito" pagpapaliwanag nito sa akin
"Anong nangyari sa akin?" Sunod kong tanong
"Hindi niyo po ba naaalala?" Pabalik na tanong nito
Umiling ako bilang pag tugon. Wala akong alam sa mga naganap sa akin. Pakiramdam ko ay kulang ako, hindi ko matandaan ang nangyari nang isang araw, nakaraang buwan, o nakaraang taon. Tila para bang hindi ko kilala ang aking sarili, Hindi ko alam ang aking pagkakakilanlan.
"Pasensya na po binibini, ngunit hindi namin alam kung ano ang nangyari sa inyo, maari pong naapektuhan ang iyong alaala" aniya nito
May biglang kumatok sa pinto at bumungad ang isang lalaki na may dalang pagkain
"Maari ba?" Paghingi nito ng permiso para makapasok
"Tuloy ka" tugon ng dalaga. Tumayo naman ito para kunin ang mga dala dala nitong pagkaing prutas. Hinubad ng lalaki ang kaniyang balanggot at naupo sa harap ko. Inihanda naman ng dalaga ang pagkain at saka naupo sabay ng paglapag nito ng pagkain sa harap namin
"Siya nga po pala ang aking nakatatandang kapatid. Ang aking kuya Esteban, baste ang tawag sa kaniya ng karamihan. Nakalimutan ko rin pala ipakilala ang aking sarili, ako nga po pala si Mirasol" magalang na pagpapakilala nito kasabay ng kaniyang matamis na ngiti "Ikaw po binibini, ano ang iyong pangalan?" Dagdag nito
BINABASA MO ANG
Sinag
Ficción histórica"Kadiliman man ang bumabalot sa ating buhay, pilit pa rin tayong naghahanap ng liwanag na mag bibigay sa atin ng bagong pag-asa" Isang dalaga ang napapalibutan ng mga mahihiwagang bagay at pilit humahabol sa kaniya. Dala ng kaniyang kuryiosidad, sin...