"Tulong! tulong! tulungan niyo kami!"
"Pakiusap iligtas niyo kami!"
Rinig kong hinaing ng mga tao
"Anak ko! Hindi ko ito matatanggap! Huwag mo kaming iwan!"
"Magbabayad sila! Humanda sila!"
"Pagbabayaran nila ito! Hindi sila makakatakas sa mga kaluluwang naghahanap ng hustisya!"
"Magdudusa kayong lahat!!"
Bigla akong napabangon mula sa aking pagkakahiga dahil sa masamang panaginip. Ang kanilang mga hinaing na nagbigay kilabot sa akin ay napalitan ng poot at galit. Ramdam ko ang mabilis kong paghinga at ang pawis kong namuo sa aking noo at mga kamay
"Binibini! Ika'y gising na po pala" Agad na salubong sa akin ni Mirasol pagka pasok nito mula sa labas
Napansin kong wala kami sa bahay-kubo sa palayan, kundi nasa tirahan nina Mirasol ako
"Kumusta ang iyong pakiramdam binibini? masakit po ba ang iyong ulo? pawis na pawis po kayo, heto po nagdala ako ng maligamgam na tubig na maaari niyong pamunas ng katawan" Kinuha naman nito ang palanggana na may lamang tubig kasama ng isang maliit na tela "Dalawang araw na po kayong tulog. Nag aalala na kami noong araw na iyon dahil anong oras na ngunit wala pa po kayo, kaya napag desisyunan ni kuya baste na hanapin na kayo at nakita po kayo ni kuya Baste sa bayan na di maganda ang kalagayan, bigla na lamang daw kayo bumagsak at nawalan ng malay kung kaya't dito po kayo dinala, bilin nina kuya at ipo na alagaan na muna kita" dagdag nito
Naalala ko naman ang nangyari nang gabing iyon. Kinuha ko ang tela at inilublob sa maligamgam na tubig saka piniga ito at pinunas sa aking mukha upang mahimasmasan
Napabuntong hininga na lamang ako dahil nagambala ko na naman ang pamilya nina Esteban
Tumayo si Mirasol at kinuha nito ang isang baso sa lamesa "ito binibini, pinagtimpla kita ng tsaa nakakatulong ito pampagaan ng loob" wika ni Mirasol at ibinigay sakin ang tsaa na ginawa nito
Napapikit ako dahil sa mabangong amoy nito "Ito ba ay gawa sa dahon ng mansanas?" aking tanong kung tama ba ang aking palagay. Tumango naman si Mirasol bilang tugon
Napangiti naman ako dahil tama ang aking palagay "Nakakatulong ito para sa kalusugan ng ating mga buto at puso, tumutulong din ito para sa kalinawan ng ating mata at pagpapalakas ng ating resistensiya. Naiiwasan din nito ang pananakit ng tiyan dahil tumutulong ito sa tamang sirkulasyon ng ating pagkain sa katawan" ininom ko ang tsaa na nagpagaan sa aking pakiramdam, tamang tama lang ang pagkakagawa nito
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang aking kaalaman patungkol sa tsaa. Bigla na lamang lumabas sa aking bibig ang mga nasabi ko kanina ngunit pakiramdam ko ay mayroon akong kaugnayan sa pag gagamot kung kaya't may ganito akong kaalaman
"Ang husay binibini! May kaalaman rin po pala kayo sa mga ganito" aniya na manghangmangha. Kinuha ni Mirasol ang naubos na tsaa
"Ate Mirasol!" Sabay kaming napatingin sa pumasok na si bonita mula sa labas. May hawak itong sari-saring mga bulaklak
"Binibining ganda gising na po pala kayo, ito po pinitas ko po kayo ng bulaklak" inosenteng wika ng bata. Napangiti ako sa pagtawag nitong Binibining ganda. Kinuha ko ang mga bulaklak na iniabot niya sa akin. Napangiti ako sa halo-halong kulay at iba't ibang klase nito.
"Sana'y hindi ka na nag abala pa, ngunit salamat bonita" aking wika sabay tapik ko nito sa kanyang ulo na ikinatuwa naman nito
Napansin ko ang ilang lupa na dumikit sa kaniyang kamay at mayroon rin iilan sa mukha, halatang siya ay nag tyaga para kumuha ng mga bulaklak
BINABASA MO ANG
Sinag
Ficción histórica"Kadiliman man ang bumabalot sa ating buhay, pilit pa rin tayong naghahanap ng liwanag na mag bibigay sa atin ng bagong pag-asa" Isang dalaga ang napapalibutan ng mga mahihiwagang bagay at pilit humahabol sa kaniya. Dala ng kaniyang kuryiosidad, sin...