Prologue

35 3 4
                                    

"Thanya! Tara sali ka samin" Sigaw ng batang si Angela habang naka-ngiti kay thanya na ngayon ay nasa tapat ng kanilang bintana.

"Ha? pwede ba akong sumali" nag aalinlangang tanong ni thanya dahil bibihira lang may magyaya sakanyang makipag laro.

"Oo tara na,baba ka na dito. " sigaw ulit ng batang si angela

Dahan dahan namang bumaba ang batang si thanya at humarap sa mga batang ngayon ay kalaro ni angela.

"Anong laro ba ang lalaruin natin"

nahihiyang tanong ni thanya sakanila, nanatiling naka tingin ang mga bata sakanya na para bang naghihintay ng iba pa nyang sasabihin.

"ahm. Sigee hindi nalang ako sasali" yuko ni angela habang pabalik sa kanilang bahay,ngunit bago pa man sya maka pasok sa kanilang bahay ay nag salita na ang batang si Wayne.

"sandali lang! Bakit ka aalis e hinihintay ka naming mag sabi ng larong gusto mo."

bahagyang napangiti si thanya dahil ang akala nya ay ayaw syang kalaro ng mga batang iyon.

"Ay ganon ba,taguan-taguan masaya yun!" Magiliw na sabi ni thanya.

Ngumiti naman ang ibang bata at pumayag sa sinabi ni thanya,nag simula ng mag laro ang mga bata at ang taya sa larong tagu-taguan ay si angela

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan pagkabilang kong sampu naka tago na kayo isa,dalawa,tatlo,apat" patuloy sa pagbibilang si thanya habang ang kanyang mga kalaro ay patuloy sa pag hahanap ng matataguan.

Nang matapos sa pagbibilang si thanya ay nag simula na syang mag hanap hanap,unang nyang pinuntahan ay ang ang kanilang likod bahay ngunit wala naman syang nakita, paalis na sana sya ng may mapansin syang isang babaeng naka upo at naka harap sa isang larawan.

para bang tinititigan nya ito at maayos na ipinipinta bahagyang naka talikod sakanya ang babae kaya imposibleng mapansin sya nito laking gulat nalang nya ng mag salita ang babae habang nakatingin paren sa larawan.

"Mahal ko, magbalik ka na"

dahan dahan at para bang nangugulila sya sa isang tao na bumalik ito. bakit parang sa ipininta nyang larawan hinahanap ang taong gusto nyang makita tanong ng bata sakanyang isipan.

Hindi na nagdalawang isip pa ang bata at naglakad na paalis ngunit laking gulat nya ng mag salita ulit ang babae at humagulgul na parang bang hindi na nya kayang huminga

"Anak ko."

Nanatili lang sya sa ganoong posisyon,naisipan nyang humarap sa babae upang tanungin ito kung ayos lang ba sya.

Ngunit laking gulat nya ng wala na ang babaeng ito sa palagay nya ay ang babaeng iyon ay nasa kwarenta pataas na,naguguluhan parin sya dahil kanina lang ay umiiyak ito at malakas ang hagulgul ngayon ay wala na ito ang kanya nalang nakikita ay ang larawan na iginuhit ng babae.

"Ate"

tinawag ni thanya ang babae dahil nagbabasakali syang makikita nya muli ito ngunit laking panghinayang nya ng wala parin ang babae.

Unti-unti naman syang lumapit sa painting at pinagmasdan ito tuwang-tuwa naman syang pagmasdan ito dahil gustong gusto talaga nyang naka kakita ng iba't ibang uri ng painting's.

Makikita mo dito ang isang punong mayabong ang bunga hindi nya mawari kung Apple ba iyon o kung anong prutas,mas naagaw ng pansin nya ang isang batang lalaki na naka upo sa ilalim ng punong iyon naka upo ito na para bang relax na relax habang naka-pikit makikita mo rin banda sa kanan ang mga matatandang babae na umiigib
ng tubig,naglalaba,naghuhugas ng plato,at naliligo sa ilog na katabi ng malaking puno.

Paint me in your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon