Chapter 2

15 0 3
                                    

Thanya's POV

"mga taksil"

"Na late lang ako ng saglit nag haharutan na kayo aba! Ang sama nyo grabe kayo kaibigan ko ba talaga kayo ha" patuloy pa rin sa pag sigaw si angela kahit kailan napaka OA talaga ng babaeng to ewan ko ba kung bakit naging kaibigan ko to haha. Lumapit ako sa kanya at pinitik ang noo niya.

"Aray masakit yun ah " pag rereklamo nya

"Alam mo angela kahit kailan napaka Oa mo ni hindi mo nga narinig yung pinag usapan namin at hindi naman malakas ang pagkakapitik ko sayo no" pagpapaliwanag ko sa kanya

"Tss haha"

"Anong tinatawa tawa mo dyan ha" sigaw na naman ni angela kay Wayne

"Nothing, alam mo angela wag ka ngang oa tara nga dito let me hug you" 

lumapit naman si wayne kay angela at niyakap ito ng mahigpit napangiti naman ako sa naging reaksyon ni angela dahil na mula ang kanyang mga pisngi. Bago pa man sila maghiwalay ng pagka kayakap ay sumali na rin ako sa kanilang dalawa group hug kumbaga hehe maliban sa aking lola at lolo ay isa rin sila sa pinakamahalaga sa aking buhay simula pagkabata ay sila na ang kasama ko,wala na akong mga magulang pero hindi naman ibig sabihin ulila na ako dahil nandyan naman ang lola't lolo ko pati narin si Angela at wayne dahil sakanila natutunan ko magkadugo man o hindi ang importante ay ang pagmamahal mo sa kanila.

"hoy thanya umiiyak ka ba?" narinig kong sabi ni angela napahawak naman ako sa aking mata laking gulat ko nalang nang tama nga si angela napatingin din naman sa akin si wayne hudyat ng paghihiwalay namin sa isa't isa.

" Ayos ka lang?" Tanong naman ni Wayne na halatang nag aalala

"Ano ba kayo masaya lang ako kasi hindi ko akalain na tatagal ang pagkakaibigan nating tatlo" nakangiting sabi ko sabay yakap ulit sa kanilang dalawa.

Mabilis ko lang silang niyakap at humiwalay na rin sa kanila ngumiti naman silang dalawa sa aking sinabi

"Oki tama na tong dramahan na to anong oras na rin baka hinahanap na tayo sa loob,basta  tandaan niyo lang na walang titibag sa friendship naten "

Parehas naman kaming natawa ni Wayne sa huling sinabi ni angela, sabay sabay na kaming pumasok sa loob at sakto nagpapaalam na ang pamilya ni wayne at angela pati na rin sila lola't lolo

"nandiyan na pala sila maraming salamat ulit sa araw na ito mga kaibigan" si lolo tadeo

"mauna na ho kami maraming salamat rin ho" ang mama naman ni angela na si tita erica

"Aalis na ho kame salamat po" si mayora,tanging ngiti at tango naman ang ibinawi nila lola. Bumaba naman kami para maihatid na rin sila sa labas

"mag iingat po kayo sa pag uwi" sabi ko naman sa kanila ng makarating kami sa gate ngiti naman ang kanilang iginante sa akin ng maisara ko na ang gate ay humarap ako kila lolo at lola

"napakaganda po ng nangyari ngayon sobrang saya ko po" maluha luha kong sabi.

"Masaya rin kami apo dahil alam rin naman namin dalawa ng iyong lolo na ito ang iyong gusto na makatulong sa iba at maipamalas ang kanilang talento lalo na sa pagpipinta"

"Yun na lang po kailan ko po kayang matutunan ang pagpipinta ng maayos at maganda" nakayuko kong sabi sa kanilang dalawa, sa totoo lang kaya ko talaga gustong mangyari ang mga ito ay dahil hindi ko kayang mag pinta katulad ng mga nakikita ko sa sa aming barangay, bata pa lang kami nila angela ay nakikita ko na kung gaano sila nag iimprove sa pagpipinta masakit mang isipin Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko na gagawa ng tama ito.

Paint me in your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon